Sasakay ka ba? Traysikel ng Pagadian City nakatingala sa langit

Imahe kuha mula sa video ng Becoming Filipino via YouTube
  • Kilala ang Pagadian sa natatanging traysikel na akala mo ay matutumba dahil sa nakatingala nitong disenyo
  • Ang disensyong ito ay ginawa upang madaling makabiyahe pataas at pababa ng malabunduking lungsod
  • Isang banyagang vlogger ang sumubok nito at nagbahagi ng kanyang rnakaaaliw na reaksyon matapos makasakay sa traysikel

Nakarating ka na ba ng Pagadian City? Ito ang kapitolyo ng probinsiya ng Zamboanga del Sur. Kilala ito sa tawag na “Little Hongkong” ng Pilipinas. Bukod sa malabundukin na katangian ng siyudad, kilala ang Pagadian City dahil sa pinakatatangi nitong mga traysikel.

Imahe kuha mula sa video ng Becoming Filipino via YouTube

Oo, kahit sino ang makapupunta roon ay hindi makukumpleto ang kanilang paglalakbay kung hindi masusubukang sumakay sa kanilang iconic na traysikel.

Ano pala ang kakaiba sa mga ito?

Maraming vloggers ang nagbahagi ng kanilang karanasan sa pagsakay sa nangungunang transportasyon sa lungsod at isa na roon si Kulas, isang Canadian na sikat sa kanyang YouTube channel na “Becoming a Filipino”.

Sa kanyang video makikita na ang mga traysikel ay naka-slant o nakatingala na may 25-40 degrees na angulo. Parang matutumba at nakatatakot sakyan, ano? Ngunit ang disensyong ito ay kinakailangan upang madali umano itong makatakbo paakyat at pababa ng malabunduking lungsod; lalo na kapag pababa. Maiiwasang masubsob ang traysikel gawa ng disenyo nito.

Imahe kuha mula sa video ng Becoming Filipino via YouTube

Nagustuhan ba ni Kulas ang kanyang karanasan? Ayon sa kanya, “These tricycles in the Philippines are the freaking coolest!” Lol.

Medyo maliit ang traysikel para sa isang banyaga dahil sa masikip nito na leg room ngunit halatang masaya siya at nag-enjoy nang husto sa kanyang pagsakay.

Ayon sa vlog ni Maya Mae Ofificial sa YouTube, P10 ang karaniwang pamasahe sa traysikel ngunit dahil sa pinapatupad na social distancing na dalawang pasahero lang mula sa lima ang maaaring sumakay, naging P15 na ang pamasahe.

Ano sa tingin ninyo? Sakay na!

Panoorin ang vlog ni Kulas dito:

Loading…