Aso nag-‘free tasting’ sa panindang dog food, mabait na may-ari hindi ito itinaboy

Imahe kuha mula s video ni Don Kurt Damada via Facebook
  • Isang aso ang nakunan ng video na pasimpleng kumakain sa nakabukas na dog food sa tindahan ng mga pagkain nito
  • Naaliw ang mga netizens dahil tila nagkaroon ng unli meal si bantay
  • Samantala, mabait din naman ang may-ari ng tindahan dahil hindi nito sinita o itinaboy ang aso

Marami man tayong kinakaharap na suliranin ngayon, mabuti na lang at may mga balitang nakapagpapangiti pa rin sa atin.

Imahe kuha mula s video ni Don Kurt Damada via Facebook

Isa na rito ang videong inupload ni Don Kurt Damada ng Davao City. Papunta raw siya sa mall nang makita ang asong tila nagfi-free tasting sa nakabukas na dog food sa isang tindahan.

Enjoy na enjoy si bantay sa kanyang mukbang dahil kahit ang may-ari ng tindahan ay hindi siya sinita.

Ang video ni Damada ay umabot na ng 1M views, 18k reaction at 20k shares sa Facebook.  Nagdala ito ng good vibes sa mga netizens na naaliw sa pasimpleng pagkain nito ng dog food.

Nagdulot din ito ng diskusyon sa kung alin sa mga pagkain ng aso ang pinakamasarap dahil pinili nito ang isang brand kaysa iba.

“Libre product brand survey. So mas masarap daw Nutri chunks kaysa Pedigree. Nice one doggy. Kain lang nang kain.”

“Masarap naman kasi talaga ang Nutri Chunks. Based on my experience, lasing ako at akala ko talaga bagong version ng eggnog.”

Imahe via Pixabay

May pumuna rin kasi bakit daw nakabukas ang sako ng mga ibinibentang pagkain ng hayop.

“Okay naman. Ayos yung aso. Haha. Kaso, maling-mali ‘tong magbebenta kang nakabukas? Ano ‘yan bigas? Dapat kahit nakatupi lang ‘yan basta nakasarado.”

At may nakapagturo rin kung saan ito banda sa Davao. Ayon kay Bernadette Marie Hontiveros Uy, nasa kahabaan ng Catalunan Pequeño ang tindahang ito at sobrang bait daw nila [tagabantay] dahil ilang beses na silang bumili ng cat food doon o kapag namimili sila ng gulay ay mayroon daw kumakain doon na mga aso o pusa. Hinahayaan lang daw ng may-aring kumain ang mga hayop.

“Diria na sa Catalunan Pequeño na store and opo grabe na sila ka buotan kay sa kapila nami gapalit diraa ug cat food or kanang mamalit mi gulay kay naa gyud nay magkaon diraa na dogs or cats. Ginapasagdaan lang nila magkaon ang mga hayop.”

Kaya ‘di nakapagtataka na sa pangangatawan ni bantay, mukhang lagi na nga siya roon.

Panoorin ang kanyang video rito.

Loading…