Hepe isiniwalat ang modus operandi sa face shield scam bilang babala sa gustong bumili nito

Imahe kuha mula sa video ng Buhay Lespu via Facebook, Imahe via Hengde Face Shield | Facebook
  • Isiniwalat ng isang hepe ng pulisya ang modus operandi ng mga nang-iscam ng face shield
  • May mga buyer at supplier na nagsasabwatan pala at iipitin ang naging middle man
  • Gumawa ng video ang hepe at layunin nito na magbigay ng impormasyon sa karamihan upang maging babala sa mga nais magbenta nito

Milyon-milyong piso nawala lamang na parang bula. Ganon kalaki ang pera na nailabas ng mga gustong kumita ng malaking halaga sa face shield nang wala namang dumating na stocks o nagpakitang supplier.

Imahe via Hengde Face Shield | Facebook

Kaya naman naglabas ng video si PCol. Jaime Santos, Chief of Police ng San Juan City at ikinuwento ang nalaman nilang modus operandi upang maging babala sa lahat na nagbabalak pang bumili at magbenta nito.

Agosto 8 ng hapon, kapansin-pansin ang pagkakaroon ng traffic gridlock sa kahabaan ng Ortigas Avenue. Kaya pinapuntahan niya ito sa mga tauhan niya upang matingnan kung ano ang mayroon. Pinatiketan niya rin ang mga ito dahil sa pag-violate ng curfew at illegal parking.

Napag-alaman nila na ang mga tao roon ay naghihintay pala sa kanilang kasundong supplier para kunin ang mga inorder na face shield. Nguniit hindi sila sinipot ng mga ito. Sa kanilang pag-iimbesitga, nalaman nila ang dalawang klase ng modus operandi sa face shield scam.

Una, magpo-post ang buyer na naghahanap siya ng face shield sa ganitong halaga. Tapos may supplier din na magpo-post ng mas murang face shield. Magkakainteres ang iba na gustong maging middle man. Makikipag-transact siya kay supplier at iaalok niya ito sa buyer. ‘Yon pala, si buyer at supplier ay iisa o magkasabwat.

Imahe kuha mula sa video ng Buhay Lespu via Facebook

Kapag pumayag na si buyer,  magdedeposit siya kumwari ng down payment sa bank account ng supplier. Ngunit sa araw na kukunin na ng middle man ang stocks, walang sisipot na supplier. Iipitin ngayon ng buyer si middle man at ipakukulong niya ito. Ngunit bukas siya sa pakikipag-areglo kapag babayaran na lamang siya ng middle man. Dito na ma-iiscam si middleman dahil mapipilitan siyang magbayad ng pera.

Sa isa pang usapan, nag-aabono muna si middle man ng pera pambili bago niya ito ibebenta kay buyer. Ngunit hindi siya sisiputin ni supplier.

Mapapaniwala ka talagang legit ang iyong transaksyon dahil nag-video call pa umano sila ng supplier at ipinakita nito ang mga face shield. Pero scam pala ang lahat.

Napakasakit na sa iyong hangarin na kumita para makaraos sa pnademyang ito, lalo ka pang malulugmok. Kaya sana’y maging mapanuri at mag-ingat sa lahat ng ating nakaka-transact online. Hindi biro ang mawalan ng perang pinaghirapan.

Panoorin ang  video ng hepe rito.

Source :

Facebook

Loading…