Asong kinulayan para magmukhang tigre umani ng samut-saring reaksyon mula sa mga netizens

Imahe via Ian Chioco | Facebook
  • Inulan ng magkakaibang reaksyon mula sa mga netizens ang ipinost na litrato ng asong kinulayan upang magmukhang tigre
  • May mga nagalit dahil hindi raw ligtas para sa mga hayop ang dye na ginamit
  • May mga dumepensa naman samantalang ang iba ay naaliw dahil sa kahanga-hangang pagkakagawa nito

Sa ibang bansa, hindi na bago ang pagpipinta o pagda-dye ng balahibo ng mga alaga upang maging kakaiba ito at umagaw ng pansin. Pero paano kung bigla ka na lang makakakita rito ng ganito na naglalakad sa daan?

Imahe via Ian Chioco | Facebok

Laking gulat ni Ian Chioco sa kanyang nakita habang nagbibisikleta pauwi sa kanila. Napahinto siya at napamura na halos kasi akala niya totoong tigre ang kaharap niya ngunit isa pala itong aso na kinulayan lang. Akala niya ito na raw ang kasunod ng ostrich na nakawala.

Kinunan niya ito ng larawan at ipinost sa social media.

“Bakit n’yo naman ginawa ‘to sa doggo?”sabi niya.

Inulan ng samut-saring reaksyon ang kanyang post. May mga nagalit sa ginawa sa aso dahil makasasama raw sa kanya ang dye. Ngunit may dumepensa naman na may mga dye na ligtas daw gamitin sa mga alaga. Ang iba’y nagalit pa sa nag-upload dahil baka makarating daw ito sa may-ari at ma-bash siya nang hindi man lang daw kinlaro kung bakit niya ito ginawa sa aso.

“Bukod sa hair dye, pinahamak n’yo yung aso, kung sino man gumawa niyan! Paano kung may biglang manakit sa kanya sa takot? Wala na talaga maisip na matino ang ibang tao!”

“Bakit? Anong mali d’yan? Mukhang alagang-alaga ‘yong aso. Di naman mukhang sakitin. Malusog nga tignan at yong pagkulay mukhang professional yong gumawa. May may-ari niyan. Pinicturan lang ng nagpost para kunwari concerned, pero wala naman siya ginawa. Pinicturan lang.”

“Sinabe ng DOG HAIR DYE ginamit. Daming satsat Ginawa yan ng amo, para pansinin sa mata. Para makahikayat ng mga makakakita na mag-alaga din ng aso. Kabobohan n’yo. Dami n’yong dakdak. Wala naman kayong nagagawa talaga sa lipunan.”

Imahe via Ian Chioco | Facebook

Nagkaroon ng mga pagtatalo  sa comment section ang ilang netizens dahil sa magkakaibang opinyon. Ngunit kung may tutol, mayroon ding mga natuwa.

“OA n’yo naman, buti sana kung may sakit yong aso eh. Natawa rin naman kayo sa aso. Astig nga tignan eh. Haha. Wag OA masyado sa comment ahh. Hehe.”

Ayon kay Ian, may nakapagsabi raw sa comment section na kapitbahay niya raw ang may-ari ng aso. Sa nabasa rin namin, pinapalabas daw ang aso tuwing hapon para makagala.

Ano kaya sa tingin ninyo? Ok lang ba ang pagkukulay na ginawa ng may-ari? O hindi lang tayo sanay makakita nito sa ating bansa?

Sa internet, marami kang makikitang aso na nilagyan ng iba ibang kulay.

Mga imahe via Google
Source :

Facebook, DF News

Loading…