
- Kinaaantigan ang kuwento ng pusa na nangulila sa kanyang tagapag-alaga kaya ito nakahiga sa kinalalagyan ng amo sa kanyang bu
rol - Malapit ang pusa at babaeng amo noong buh
aypa ito at karaniwang makikita ang pusa na nakahiga sa kanyang tiyan, kilikili o sa may mukha - Ang pangyayaring ito ay nagpatunay na hindi lamang sa mga aso nakikita ang wagas na pagmamahal kundi maging sa mga pusa rin
Marami na tayong nasaksihan na kuwento ng mga aso na naging tapat sa kanilang amo. Kahit na sa paglisan ng nag-aalaga sa kanila, tila hindi pa rin sila magpaghihiwalay dahil ramdam din nila ang kalungkutan.

Ngunit kakaiba ang istorya na ibinahagi ni Fred Erwin Tolentino Valdez sa social media dahil hindi aso kundi pusa ang nangungulila sa kanyang among lumisan.
Malapit sa kanya ang pamilyang ito at nasubaybayan niya ang katangi-tanging konekyson mayroon ang pusa at amo nito na si Nang Nene. Noong buhay pa umano siya, kapansin-pansing malapit ang dalawa.Natutulog umano ang pusa sa kanyang tiyan o sa kilikili at minsan naman ay sa may bandang mukha.
Ngunit noong Agosto 22, tuluyan nang namaalam ang amo dahil sa matagal nang iniindang karamdaman. Nang dinala muna ang kanyang katawan sa punerarya, hindi umano mapakali ang pusa. Ikot nang ikot ito sa bahay habang tila hinahanap siya.
Kaya naman nang maiburol na si Nang Nene, nasa itaas ng kanyang kinalalagyan ang pusa at dito na natutulog. Ibinahagi ni Fred ang kuha niyang larawan at makikita mo ang kalungkutan at pangungulila ng alaga nito.

Umantig sa mga netizens ang kuwentong ito dahil napatunayang hindi lamang ang aso kundi pati pusa ay kaya rin palang magmahal nang lubos sa nag-aalaga sa kanya.
Kumento ng isang netizen, “What an awesome cat she has. Behaves naturally like human. Returns unconditional love to the past owner.”
Dahil dito, ibinahagi ni Fred ang aral na natutunan niya mula sa pangyayaring ito. Mahalin daw natin ang ating mga alaga dahil ibabalik nila ito sa atin nang mas higit pa.
“Let’s love our pets unconditionally. They will return the favor of a thousand times more. If animals can be loyal, how much more, WE, US humans.
The question is— ARE YOU LOYAL?”