Lady guard pinaliguan ang aspin na napamahal na sa kanya, wala raw siyang pakialam kahit nakauniporme pa siya

mahe via Rein Sasis | Facebook
  • Napahanga ang isang netizen sa lady guard ng supermarket dahil pinaliguan nito ang asong kalye
  • Wala umanong pakialam ang lady guard kahit na nakasuot pa siya ng uniporme at nagpapaligo ng asong napamahal na sa kanya
  • Nagbigay naman ng good vibes ang kuwento ito kaya umani siya ng papuri sa kanyang kabutihan

Masuwerte ang mga asong may amo. Nakakakain sila sa tamang oras at may matatawag na tahanan. Samantala, ang mga asong gala naman ay kailangang maglakad-lakad para makahanap ng mga tirang pagkain para sa kumakalam na tiyan.

Imahe via Rein Sasis | Facebook

Mabuti na lang, kahit na panahon ngayon ng krisis, hindi pa rin pala tayo nauubusan ng mga taong may malasakit sa mga hayop sa kalye. Isa na rito ang lady guard ng Robinson’s Supermarket sa may Greengate Homes Malagasang Imus, Cavite na ikinuwento ni Rein Sasis sa social media.

Natuwa umano siya sa guard dahil pinaliguan nito ang isang asong Pinoy. Noong una nagtaka pa umano siya kung ano ang ginagawa nito ngunit nasaksihan niya ang kabutihan nito nang nilapitan niya. Ang nakamamangha pa, wala raw pakialam ang guard kahit na naka-uniform pa siya at nagpapaligo ng aso. Ang cute nga naman!

Kuwento nito, napamahal na sa kanya ang aso dahil parati na itong tumatambay sa harap ng supermarket. Bukod sa pagpapaligo rito, nagdadala rin siya ng pagkain at dog food pa ang binibigay dito.

Sa larawan na ibinahagi ni Rein, makikitang napalagay na ang loob ng aso sa “amo” niya. Balewala na sa kanya na hawakan siya at kalmado ito habang pinapaliguan.

Pinuri naman ng mga netizens ang lady guard.

Imahe via Rein Sasis | Facebook

“Maraming salamat ate guard! Sana may pangalan. Sana marami pang kagaya mo na may malasakit sa mga animals or aso. God bless you more & stay happy & safe kayong dalawa.”

Nag-alala naman ang iba kung ano ang mangyayari sa aso kapag malilipat ang guard. “Sana magtagal ka riyan as a guard, ma’am. Baka i-transfer ka sino na mag aalaga kay doggie? God bless you and keep you safe always.”

Kudos sa iyo, ma’am. Habang nagbabantay ka sa supermarket, sigurado kaming may kaibigan kang nagbabantay din sa’yo.

Source :

Facebook

Loading…