Milagro nga ba? Lola nagbalik ang paningin matapos ‘di makakita ng mahigit sampung taon

Imahe kuha mula sa video ng Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) via Facebook
  • Matapos ang mahigit 10 taon na pagiging bulag, muling nakakita ang isang lola sa Aklan
  • Si lola ay nagkaroon ng katarata na nagdulot ng panlalabo ng kanyang paningin hanggang sa hindi na siya makakita
  • Ngunit isang araw, nagkaroon umano ng himala at biglang bumalik ang kanyang paningin

Posible pa kayang makakita ang isang nawalan na ng paningin nang mahabang panahon? May milagro nga kaya?

Imahe kuha mula sa video ng Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) via Facebook

Isang 94 taong gulang na lola sa bayan ng Buruanga, Aklan ang pinag-uusapan ngayon dahil muli umano siyang nakakita matapos ang mahigit isang dekadang pagiging bulag.

Si Lola Bonifacia “Teting” dela Cruz ay masayang-masaya at walang humpay ang pasasalamat sa Panginoon dahil sa pagbalik ng kanyang paningin.

Sa kuwentong ibinahagi ng Kapuso Mo Jessica Soho, 2008, nanlabo ang paningin ni lola sa kaliwang mata dahil sa katarata, isang kondisyon kung saan nagkakaroon ng parang namumuong ulap sa lente ng mata. Nang sumunod na taon, naapektuhan pati ang kabila niyang mata.

Nahirapan si lola sa nangyari sa kanya. Halos araw-gabi umano siyang tumatangis. Mabuti na lamang at gumabay sa kanya ang kanyang mga apo sa pag-aasikaso niya ng kanyang sarili.

Minsan na siyang ooperahan upang maibalik ang paningin ngunit bago ang operasyon, tumaas daw ang kanyang BP. Dahil dito, hindi na natuloy ang kanyang operasyon.

Imahe kuha mula sa video ng Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) via Facebook

Sa kabila ng lahat, nanatiling matatag pa rin ang pananalig niya sa Panginoon. Araw-araw umano siyang nagrorosaryo, isang gawain na sampung taong gulang pa lamang siya ay kinagisnan na niya.

Subalit noong July 23, nanaginip umano siyang nakakakita na siya. Ngunit madilim pa rin pagkagising niya. Matapos ang dalawang araw, nagliwanag na ang lahat kaya tinawag niya ang kanyang mga anak upang ibalita na nakakakita na siya.

Para sa espesyalista sa mata na si Dr. Jayson Inocencio, ang suspetsa niya, maaaring bumaba ang katarata ni lola kaya hindi na nito natatakpan ang kanyang paningin. Ngunit hindi naman daw ibig sabihin nito na gumaling na ang katarata niya. Mas mabuting mapatingnan pa rin sa doktor si lola Teting.

Ngunit ayon kay lola Teting isang himala umano ang nangyari sa kanya. Dulot umano ito ng hiling niya at patuloy na pananalig sa Diyos.

Panoorin ang episode na ito ng KMJS.

Source :

Facebook

Loading…