Lolo nagkulang ang pambayad para sa ipadadalang dokumento, lalaki nagmagandang-loob na tumulong

Imahe via Dhen Dhen | Facebook, Imahe via Canva
  • Isang lolo ang magpapadala ng dokumento sa courier service para sa enrollment ng apo
  • Ngunit kulang ang pambayad nito at naglakad pa raw ito para lang hindi mabawasan ang pera
  • Nagmagandang-loob ang isang lalaki na bayaran ang kulang ni tatay na siyang ikinatuwa naman ng lolo

Naghihirap man at nagtitipid ang mga tao ngayon, mayroon pa rin palang handang tumulong sa iba.

Imahe via Dhen Dhen | Facebook

Kuwento ni Dhen Dhen sa Facebook, nasa isang branch daw siya ng LBC sa Bukidnon nang masaksihan niya ang pangyayaring nagpaantig sa kanyang puso.

Isang tatay na naka-blue ang lumapit daw sa counter at nagsabing magpapadala ng papeles para sa enrollment ng kanyang apo. Tinanong niya ang babaeng staff kung magkano lahat ang kanyang babayaran. P135 pesos daw lahat. Ngunit P50 lang daw ang pera ni tatay. Sabi niya, naglakad lang daw siya papunta doon para may pambayad sa pagpapadala.

Naiiyak si Dhen Dhen sa nasaksihan. Nagpasya siyang babayaran na lang niya ang kulang dahil naaawa siya. Nag-aalala na raw si tatay na baka hindi nito mapadala ang mga dokumento at malayo pa raw ang bahay nila para bumalik siya at manghiram ng pambayad.

Naghihintay na lang si Dhen Dhen na tawagin ang pangalan niya para sa claim payment nang may lumapit na lalaki sa counter.

Imahe via Pixabay

“Ako na lang magbabayad sa kulang ni tatay ma’am, mapadala lang ang mga ipapadala niyang papel,” sabi nito sa babaeng staff.

Naiiyak daw si tatay at tuwang-tuwa siya na may nagmagandang-loob na tumulong sa kanya. Sa kaloob-looban ni Dhen Dhen malaki ang pasasalamat niya sa lalaki sa pagiging good samaritan nito. Hindi raw mababayaran ang tuwa na binigay nito kay tatay.

Kinunan ni Dhen Dhen ng larawan ang dalawa at ibinahagi sa social media.

Samantala, naalala niya rin ang kanyang lolo. Ganyan daw talaga sila; gagawin ang lahat para sa apo.

Source :

Facebook

Loading…