Magtataho kinabiliban dahil sa pagsisikap na makasuot ng DIY face shield

Imahe via Angelo Perez Bautista | Facebook
  • Napabilib ang isang estudyante sa suot na DIY face shield ng magtataho na nakasabay niya sa sasakyan
  • Humanga rin siya dahil kahit hirap si manong, sumunod ito sa protocol ng gobyerno na magsuot ng face shield 
  • Nagdulot ng inspirasyon sa lahat ang pagiging mapamaraan nito para lamang magkaroon ng face shield

Mula noong inirekomenda ng DOTr na magsuot ng face shield ang lahat ng sumasakay sa pambublikong transportasyon, nagkandarapa ang taong bayan sa paghahanap ng mabibili. Ngunit paano kung ang iyong kinikita ay sadyang kasya lamang sa inyong pang-araw-araw na gastusin, paano ka pa ba magkakaroon nito?

Imahe via Angelo Perez Bautista | Facebook

Ipinakita ng isang magtataho vendor na hindi hadlang ang salat na kita ngayong may pandemya upang makapagsuot siya ng face shield. Kaya naman napabilib ang estudyante ng Lungsod ng Heneral Santos na si Angelo Perez Buenavista na nakasama nito sa multi-cab.

Kinunan ni Angelo ng larawan ang magtataho at kanyang ibinida sa social media. Ayon sa kanyang post, nahabag siya sa magtataho dahil sa suot nito na face shield ngunit natutuwa rin diumano siya.

Ang suot kasi na face shield ni manong ay hindi kagaya ng karaniwang nakikita nating binebenta online ngunit ito ay DIY lamang. Gawa ito sa plastic na lalagyan ng tubig na ginupit at nilagyan ng goma sa magkabilang dulo upang mailagay nang maayos sa ulo. Eto pa, may sulat kamay pa ito na katagang “heal the world”.

Imahe via Angelo Perez Bautista | Facebook

“I salute you, Sir,’ sabi ni Angelo.

Para sa kanya, ang pagsisikap na ito ni manong na makagawa ng sariling face shield ay isang halimbawa ng pagsunod sa protocols na ipinatutupad ng pamahalaan at ang pagiging mapamaraan nito sa kabila ng COVID.

Marahil ay batid daw ni tatay na kapag hindi siya susunod sa kautusan ng gobyerno, maaari siyang pagbawalan na magbenta ng taho at mas malaking problema pa ‘yon.

Inulan ng papuri si manong mula sa mga mambabasa.

“At least nag effort talaga si tatay. GodBless you po, tatay! Ingat ka po lagi sa paglalako ng taho ninyo po.”

Imahe via Angelo Perez Bautista | Facebook

Samantala, napangalanan siya ng isang netizen. Siya pala si tatay Guanzon at ipinarating nito sa kanya na naging viral na ang litrato niya.

“Si tatay Tata Guanzon. Nagtitinda kasi siya dito sa Bula then kanina lang pumunta siya rito para magtinda. At sinabihan ko siya na na-viral siya at pinakita ko mga pics niya. Nagulat si tatay.”

May nag-alok na rin na magbibigay ng face shield sa kanya.

Sana, maging inspirasyon ito ng iilan na walang pambili ng face shield.. Pinatunayan ni manong na kapag gugustuhin, laging may paraan.

Source :

Facebook

Loading…