Mga cellphones naging bato? Sender nanggalaiti sa nangyari sa package niya

Imahe via GP Jasmin | Facebook
  • Nagpadala ng dalawang cellphone si GP Jasmin para sa online class ng mga estudyante sa Mindanao
  • Ngunit mahigit isang buwan na ang nakalipas, hindi pa rin ito nakarating sa paroroonan kaya pinabalik niya ito sa kanya
  • Laking gulat niya nang malaman na bato na lang pala ang laman ng mga kahon nang maibalik sa kanya

Kapag tayo ay nagpapadala sa mga courier services, hangad natin na makarating nang maayos at kumpleto ang ating package sa pinadalhan natin. Ngunit sadyang may nananamantala sa tiwala na ating ibinibigay.

Imahe via GP Jasmin | Facebook

Cellphone na, naging bato pa. Ganyan ang kinahinatnan ng gamit na ipinadala ni GP Jasmin kaya napaalma siya sa kanyang post sa social media.

“Kaya tayo walang pagasa, Pilipinas. Tayo lang nanloloko sa kapwa natin. Yung gagamitin na pang online class ng mga bata dapat, wala na, ninakaw na. Binabawi lang natin yung karapatan ng batang gustong mag-aral sa gitna ng pandemya. I will fight for these kids!”

Nagpadala siya ng dalawang cellphone papuntang Misayap, Mindanao gamit ang serbisyo ng Ninja Van Philippines at Grab. Importante ang mga ito dahil gagamitin sana ng mga estudyante para sa online class nila. Ngunit hindi pa ito nakarating kahit lampas isang buwan na kaya pina-return to sender niya. Pagbalik sa kanya, ‘di niya inaasahang ang laman ng mga kahon ay bato na lang.

Mabuti na lang at napicturan niya ang mga cellphone bago niya napadala. Ito ang ebidensya niya sa totoong laman ng mga kahon. At binuksan niya rin sa harap mismo ng rider.

Ano ba ang mga nangyari?

Imahe via GP Jasmin | Facebook

Ipinadala niya ang parcel noong Hulyo 1 at pinick-up ito ng rider ng Grab. Agosto 6, nakarating pa ito ng Cotabato CIty gamit ang Ninja Van pero pina-return to sender niya na nang Agosto 9. Agosto 11, naibalik sa kanya subalit bato na ang laman.

Nag-file na umano siya ng complaint.

Nakapanlulumo dahil krisis ngayon at ito pa ang mababalitaan natin. May mga tao talaga na walang konsensiya.

Sana’y maimbestigahan ito ng mga sangkot upang malaman kung saan nawala at kanino napunta ang mga cellphones.

Samantala, maging babala sana ito sa atin na magpadala lamang sa mga pinagkakatiwalaang courier services. Mainam na rin ang kumuha ng litrato bago ipadala para may hawak tayong ebidensiya.

Source :

Facebook

Loading…