‘Bagsak presyo sale’ ng sapatos sa isang mall dinagsa, pansamantalang tinigil dahil sa paglabag sa social distancing

Imahe via Hugot Byahero | Facebook, Imahe via Fatbok | Facebook
  • Dumagsa ang mga tao sa big-time sale sa tindahan ng sapatos sa isang mall sa Cagayan de Oro City
  • Base sa mga kumalat na larawan, nagkalapit-lapit ang mga mamimili at hindi nito nasunod ang social distancing
  • Pansamantalang pinatigil ng mall ang promo dahil sa paglabag sa ilang health protocols

Kapag may malawakan at super bagsak presyo na sale, wala yatang makapipigil sa Pinoy kahit anong krisis.

Imahe via Hugot Biyahero | Facebook

Agosto 15, dinagsa lang naman ng maraming tao ang pinakamalaking mall ng Cagayan de Oro City, ang Limketkai Mall. Ito ay dahil sa malawakang sale mula Agosto 15-21. Karamihan ay nagkukumahog na makapila sa atrium para makabili ng sapatos ng Nike, Adidas, New Balance at Pro Touch sports apparel and shoes dahil sa hanggang 80% ang bagsak presyo nito.

Ibinahagi ng Hugot Byahero sa Facebook ang ilang larawan kung saan kapansin-pansing hindi nasunod ang social distancing na ipinatutupad ngayon upang maiwasang mahawaan ng COVID. Kahit natatagalan sa pila dahil limitado lang ang makapapasok sa mismong tindahan ng sapatos, matiyagang nagtiis pa rin ang mga mamimili.

Ang mga larawang ito ay nagdulot ng sari-saring reaksyon mula sa mga mambabasa kung saan karamihan ay nangamba para sa kaligtasan ng mga tao sa virus.

“That’s why dapat talaga close muna ang mga malls. Hindi naman natin need ng mga bagong shoes etc. Grocery store lang dapat ng malls ang open muna. Dami kasi matitigas ang ulo. Buti sana kung marunong sila dumistansya no!” kumento ni Rose Amor Baladad.

Ang iba naman ay nakapagsabi na nagrereklamo raw ang taong-bayan dahil sa pagbili ng face shield na nire-require na ngayon ngunit walang mahal pagdating sa sale.

Imahe via Hugot Byahero | Facebook

Di naman ito nagtagal dahil inaksyunan agad ng pamunuan ng mall. Pansamantalang pinatigil ang sale. Narito ang pahayag ng Limketkai Center sa social media.

“Due to the unexpected number of shoppers of The Warehouse Clearance Sale, some safety health protocols were not observed. Please be advised that our management have temporarily stopped the said activity at the Atrium which was thereafter seconded and approved by the City government.

Our management will still meet with them. Please wait for further update for their sale.

Rest assured that Limketkai Mall is one with the government in their campaign in fighting the spread of COVID-19.”

Ayon sa pinakahuling tala ng CDO COVID19 Response Team noong Agosto 13, ang nagpositibo sa COVID sa Cagayan de Oro City ay umabot na sa 194 katao.

Loading…