Sikat na pitsel ng pamilyang Pilipino noon, subok na matibay at pangmatagalan: Gamit mo pa rin ba?

Imahe via We are 90's (Kami ang Batang 90's) | Facebook
  • Laman ng aparador o mesa ng pamilyang Pilipino noon ang mga pitsel na mula sa Tupperware
  • Subok na matibay ang plastik nito dahil kahit ibato mo man, buo pa rin 
  • Sa larawang ibinahagi sa social media, nanumbalik ang alaala at karanasan ng mga netizens sa paggamit nito

Sino ba naman ang hindi nakakikilala sa isa sa pinakasikat na pitsel noong araw? Halos lahat yata ng nanay ay mayroon nito.

Imahe via We are 90’s (Kami ang Batang 90’s) | Facebook

Ibinahagi ng We are 90’s (Kami ang Batang 90’s) sa social media ang dalawang klase ng pitsel ng Tupperware na karaniwang ginagamit sa mga tahanan noon. Maaaring kulay maroon o dilaw ito. Ang katangi-tangi pa rito ay ang kanyang takip na pinipindot ang gitna upang mahila mo pataas para maibuhos ang laman. Dahil sa airtight technology ng takip na’to, natatakpan nito ang daluyan ng laman at hindi ito mabubuhos kapag natutumba ang pitsel.  Napaghihiwalay din ito sa tatlong parte sa tuwing nililinisan.

Ngunit higit sa lahat, kilala ito dahil sa tibay ng kanyang plastik, hindi kagaya ng mga plastik ngayon na parang may expiration at bigla na lang nagka-crack pagdating ng panahon. Samantalang ito ay matibay at pangmatagalan.

Patunay ang testimonya ng mga netizens sa tibay nito.

“Yung sa’min yellow na plain lang tapos may kasamang baso yellow din. Tibay niya, makunat ang pagka-plastic kaya hindi basta-basta magka-crack. Naalala ko kasi binalibag ako ng kapatid ko ng baso niyan. Sa pader tumama buo pa rin.”

“Until now mayron kaming ganyan. Halatang super luma na talaga. Elementary pa yata ako nito. Hahaha. Ngayon, may asawa’t anak na ako. Tibay naman talaga. Hehe.”

“Yung dilaw napakatibay kahit ibalibag mo. 25 yrs na yata namin nagamit. Napudpud yung ilalim bago napalitan ng bago. Pitsel ngayon, isang bagsak pa lang, crack na.”

Imahe via Joan Athorp | Pinterest

Ang pagkakaroon ng koleksyon ng mga plastik ng Tupperware ay isang gawaing nakapagbibigay-aliw sa ating mga nanay dahil iba ka kung mayroon ka nito. Karaniwan pa itong nakatago sa malalaking aparador na salamin ang takip upang mai-display ang mga makukulay at naggagandahang lalagyan. Minsan, inilalabas lang ang mga ito kapag may bisita o espesyal na okasyon.

Sino pa ang mayroon nito ngayon?  Ilang taon n’yo na itong kasama?

Source :

Facebook

Loading…