Tindera sinuportahan ang buong angkan sa pamamagitan ng paglalako ng gulay ng 40 taon

Imahe via Don Ramon Bagatsing | Facebook
  • Isang kahanga-hangang tindera ang sinusuportahan ang kanilang buong angkan sa pamamgitan ng paglalako ng mga gulay
  • 14 na taon pa lamang siya at katatapos lamang ng high school nang magsimula siyang maglako nito
  • Sa tulong ni Don Ramon Bagatsing at mga kaibigan nito, nabigyan ang tindera ng bago at mas malaking kariton

Sinong mag-aakalang sa pagtitinda lamang ng mga gulay ay naitaguyod ng isang babae ang buong pamilya, mga pamangkin hanggang sa mga naging apo nito?

Imahe via Don Ramon Bagatsing | Facebook

‘Yan ang kuwentong kahanga-hanga na ibinahagi sa social media ni Don Ramon Bagatsing, apo ng dating Manila Mayor Ramon Bagatsing.

Ang tinderang ito ay si Julie G. Obediente na taga-Maynila. Sa edad na 14 anyos, nagsimula nang maglako ng gulay si Nanay Julie, taong 1980. Katatapos pa lamang niya ng high school noon. Bukod sa gulay, naglalako rin siya ng isda, manok at nagpapa-consignment ng karne.

Sa kanyang pagsisikap, natulungan niya ang labing-isa niyang mga kapatid pati na rin ang 30 na mga pamangkin at 20 mga apo. Gumagastos siya para sa kanilang araw-araw na pangangailangan. Kapag may natirang pera, binabayad niya ito sa hinuhulugang utang. Nakahahanga, ‘di ba? Isang buong angkan ang binuhay niya at nakayanan niya iyon.

Ngayon, 54 taong gulang na si Nanay Julie. Ibig sabihin 40 taon na siyang nagtitinda at iyon pa rin ang ikinabubuhay niya ngayon. Hinding-hindi siya napapagod para sa pamilya.

Nagkaroon na rin siya ng anak at 7 taong gulang pa lamang ito dahil huli na siyang nag-asawa.

Nakilala umano ni Don Ramon si nanay at nakitang bulok na ang kariton nito. Sa tulong niya at ng mga kaibigan, nabigyan si nanay ng bagong push cart at mga paninda.

Imahe via Don Ramon Bagatsing | Facebook

“May bago nang push cart si Nanay Julie (double the size, at may ball joint na yung mga gulong, hehe) na puno ng gulay, prutas, isda, karne, manok at kaunti pang cash puhunan sa susunod na buwan!!!”

Nagparating din siya ng mensahe.

“Nanay Julie, Manila is so proud of you! Always remember this message. We love you. I’m so sure Yorme and Honey will support and protect you 100% sigurado ‘yan. Maglako po kayo with pride and dignity. Keep your chin up and continue to help your family. Rest assured we will support you all the way.”

Source :

Facebook

Loading…