Alaala ng kabataan: Pinulupot mo rin ba ang iyong buhok sa suklay para kumulot?

Imahe via Batang 90's | Facebook
  • Isa sa mga sinubukan ng kabataan noon ang pagpupulupot ng kanilang buhok sa suklay sa paniniwalang kukulot ito
  • Ngunit bago pa man mangyari iyon, nagresulta lang ito sa pagkabuhol-buhol ng buhok 
  • Basahin ang mga nakatatawang karanasan ng mga minsa’y sumubok nito at ano ang kanilang ginawa upang maalis ang buhok sa suklay

Ang mga kabataan ay mahilig mag-eksperimento. Kung ano ang nakikita nila sa iba, gagayahin din nila nang walang pagdadalawang-isip.

Imahe via Pixabay

Gaya na lamang pagdating sa buhok, noong nauso ang pagkukulay nito, marami rin ang gumaya gamit ang mga pangkulay na nabibili lamang sa tabi-tabi. Kahit na mga nauusong hairstyle, tiyak na hindi nagpapahuli ang mga ito.

Ang pagkakaroon ng kulot na buhok ay nais subukan ng karamihan. Lalo na kapag ang buhok mo ay tuwid, marahil, minsan ka ring nangarap na makita mo ang sarili mong kulot ang buhok.

Isa sa mga sinubukan ng kabataan noon ang pagpulupot ng buhok sa suklay. Kukuha ng parte ng iyong buhok at ipulupot ito sa suklay. Mag-aantay ng ilang minuto at saka tatanggalin. Subalit, kadalasan, nagreresulta lang ito ng pagkakabuhol-buhol ng buhok hanggang sa mahirap na itong tanggalin.

Ibinahagi ng Batang 90’s Facebook Page ang imaheng saktong naglalarawan sa gawaing ito. Nagdala naman ito ng nostalgia sa mga mambabasa at ibinahagi nila kung ano ang kanilang ginawa para masolusyonan ang pagkabuhol-buhol ng kanilang buhok sa suklay.

Imahe via Batang 90’s | Facebook

“Yong akala mo kukulot pag ginawa mo ‘yan. Kulot na po noon pa ‘yong buhok ko pero ginawa ko pa rin yan.”

“Ginawa ko dati. Ang ending, nagkaroon ako ng bangs na parang hagdanan.”

“Ganyan din dati ang ginagawa ko sa buhok ko nang ‘di ko na maaalis ginupit ko na. Takot kasi akong mapagalitan ng nanay. Ang ending, pinagtawanan ako kasi nasagad talaga ang pagkakagupit.”

“Ginawa ng nanay ko pinutol na lang buhok ko kasi ayaw na matanggal.”

Matatawa ka na lang. Naging palpak man, pero parte ito sa mga karanasang ‘di malilimutan na humubog sa ating kabataan.

Kayo? Ano ang kuwentong suklay n’yo?

Source :

Facebook

Loading…