Anak ng guro may reaksyon sa #Punitin_ang_module_challenge; Nagsisikap ang kanyang ina dahil sa pagmamahal sa mga estudyante

Imahe via Christine Delmonte Arellano | Facebook
  • Isang anak ng guro ang nagpahayag ng saloobin laban sa nauusong “Punitin_ang_module_challenge”
  • Nais niyang iparating na kung nahihirapan ang mga estudyante sa paggamit ng module, isipin din sana nilang mas mahirap ito para sa mga guro tulad ng kanyang ina
  • Ayon sa kanya, hindi marunong mag-computer ang kanyang ina ngunit nagsusumikap ito dahil sa kanyang dedikasyon, pagmamahat sa trabaho at mga estudyante

Kamakailan lang ay may nauuso na challenge sa mga estudyante at it ay ang “Punitin_ang_module_challenge”.

Imahe via Christine Delmonte Arellano | Facebook

Bilang anak ng isang guro, naglabas ng reaksyon sa social media si Christine Delmonte Arellano.

Ibinahagi niyang ipinanganak ng 60 BBC (born before computer) ang kanyang ina at kahit paano paandarin ang computer ay hindi nito alam. Sa higit 30 taon nitong pagtuturo, ngayon lamang ito gumamit ng computer. Mahirap man at bago ito sa kanya, lamang naman ang dedikasyon at pagmamahal nito sa trabaho at estudyante kaya mas nagsusumikap ito.

Kaya sa mg estudyante na sumusuporta sa “Punitin_ang_module_challenge”, may mensaheng nais iparating si Christine.

“Kung naiisip n’yo na mahirap na ‘to para sa inyo what more sa mga katulad ni Mama? Mga bata pa kayo mas madali pa kayong matuto at makapag adjust.”

Malaki raw umano ang ginugugol na oras ng mga teachers sa paggawa ng modules ng mga estudyante.

“Mula paggising hanggang sa pagtulog “tunog ng printer, tunog ng stapler, gunting at bond papers”.

At kapag gabi, gumagamit pa raw ng flashlight ang kanyang ina bilang ilaw dahil ayaw nitong magising sila. At kapag tinatanong kung bakit gising pa siya sa kailaliman ng gabi, narito ang kanyang sagot.

Imahe via Christine Delmonte Arellano | Facebook

“Kawawa naman yung mga bata,” sabi ng kanyang ina.

Sumang-ayon ang mga netizens sa pahayag ni Christine.

“I am also a teacher. I could feel your mom! Please say salamat to your mom for doing such a great job!”

“Napakahirap gumawa ng module lalo na kung may time limit at isimplify upang hindi masyadong mahirapan ang bata, pahalagahan ang hirap ng gumawa nito.”

Isaalang-alang natin palagi ang pagsisikap ng ating mga guro. Mahirap sa kanila ang malaking pagbabago sa patuturo ngayon ngunit hindi sila sumusuko dahil sa pagmamahal nila sa trabaho at sa mga estudyante.

Source :

Facebook

Loading…