Balikan: Sikat na bell bottom pants noon, naabutan mo ba?

Imahe via Batang Pinoy - Ngayon at Noon | Facebook
  • Nauso ang pormahang bell bottom pants noong 70’s
  • It pala ay disensyong unang ginawa para sa mga marino
  • Nagbalik naman ang alaala ng mga netizens nang ibinahagi ito ulit sa social media

Minsan n’yo na bang nasilip ang mga litrato ng inyong mga magulang noon? Isa sa kapansin-pansin sa kanilang kapanahunan ay ang natatanging fashion trend kung saan malayo na sa sinusuot natin ngayon. It ay ang bell bottom pants o elephant pants.

Imahe via Bell Bottoms | Facebook

Hapit sa katawan mula sa baywang hanggang tuhod ngunit maluwang at pabuka ang disensyo na parang bell pababa.

Ayon sa fashion encyclopedia, ito ang nausong pormahan noong 60’s at 70’s. Ang disensyong ito ay original na ginawa hindi bilang fashion statement kundi para sa mga marino na mapadali at maging kumportable sa kanilang trabaho. Maluwang ang disenyo nito sa binti para madali itong tiklupin paitaas at hindi sagabal sa kanilang mga gawain gaya ng paglilinis ng barko.

Karaniwan lamang ang pagsusuot nito na puwede sa lahat, babae man o lalaki. Nabibili ito sa mga tindahan ng surplus shops ng mga gamit ng marino. Noong 1970’s lamang gumawa ang mga designers ng bell bottoms gamit ang iba’t-ibang tela. Nagpauso rin nito ang mga sikat na artista at mang-aawit noon na sina Cher, James Brown at Pat Boone. Subalit tinawag din itong simbolo ng old-fashioned bad taste.

Bumalik sa uso ang disenyong ito noong 1990’s dahil sa trend noon na baggy clothing.

Sa Facebook page ng Batang Pinoy – Ngayon at Noon, ibinahagi ang larawan ng mga nagsuot nito noon at agad binalikan ng mga netizens ang kanilang alaala rito.

Imahe via Batang Pinoy – Ngayon at Noon | Facebook

“Di ko malilimutan ang karanasan ko diyan sa elephant pants na ‘yan. Sa sobrang lapad, pag baba ko ng jeep nasabit. Nadapa tuloy ako nakahihiya.”

“Sarap aalalahanin. Palaparan ng kuwelyo at pantalong bell bottom.”

“Ayy oo. Ganyan kaluwag pantalon noon, ala John Travolta ang tawag namin. Pero ang mga dalaga noon paliitan ng bewang 34-23-36. ‘Yan, ganyan mga bewang nila hehe.”

Samantala, pinuna naman ng mga netizens na pormal daw umano ang pananamit noon kumpara sa mga damit ngayon, lalo na sa mga babae. Marami na nga ang nagbago dahil sa impluwensiya ng media at artista.

Gusto mo bang ibalik ang pormahang ito?

Loading…