Banyaga stranded sa airport matapos palayasin ng asawa; binigyan ng trabaho at matutuluyan ng isang kompanya

Imahe via Judy Ann Cinco | Facebook, Imahe via Holger Solager | Facebook
  • Isang banyaga ang na-stranded sa airport dahil wala na itong pera para maasikaso ang mga kinakailangan pabalik sa kanila 
  • Ayon sa banyaga, inubos daw ng asawa ang kanyang pera at pinalayas pa siya sa pinagawa niyang bahay
  • Ibinahagi ng concerned netizen ang kanyang kuwento sa social media upang maipaabot ito sa #raffytulfoinaction

Isang banyaga ang naghangad na makapagsimula ng pamilya rito sa Pilipinas ngunit parang bula na nalusaw ang lahat nang talikuran siya ng kanyang pinakasalan.

Imahe via Judy Ann Cinco | Facebook

Ibinahagi ng netizen na si Judy Ann Cinco ang kuwento ni Holger Solager, na taga-Denmark. Ayon sa kanyang post sa social media, pumunta raw ang banyaga sa Pilipinas para pakasalan ang isang Pinay na taga-North Cotabato. Isang taon na umano siyang namamalagi rito.

Ngunit inubos lang daw umano ng babae ang kanyang pera. Pinalayas din siya sa pinagawa niyang bahay matapos malaman ng asawa niya na hindi ito sa kanya nakapangalan.

Sinubukan niyang bumalik ng Denmark kaya pumunta siya ng airport. Ngunit wala na siyang perang pambayad sa swab test at wala rin daw siyang travel pass kaya hindi rin siya nakasakay ng flight pabalik sa kanila. Apat na araw na siyang namalagi sa airport nang makausap ni Judy Ann.

Imahe via Holger Solager | Facebook

Lumapit din siya sa embassy ngunit hindi naman daw siya pinakinggan.

Dahil wala na siyang mapuntahan pang iba, sa kalsada na raw siya natutulog. May mga batang nag-alok sa kanya ng tulong at ipinagamit ang tablet para ma-contact niya ang kanyang mga kamag-anak ngunit pinagtangkaan lang daw siyang pagnakawan.

Bumalik siya sa airport. Walang-wala na raw talaga si Holger. Mabuti na lang may kaunting pera ang kaibigan ni Judy Ann at ibinigay ito sa kanya.

Sa pagbahagi ni Judy Ann sa social media, hangad nilang matulungan silang maparating ito sa #raffytulfoinaction.

Imahe via Judy Ann Cinco | Facebook

Samantala, isang magandang balita ang ipinost ni Judy Ann sa social media, Setyembre 28.

Ayon sa kanya, hi-nire si Holger ng isang Denmark company at binigyan na ng matutuluyan. Sa larawang kanyang ibinahagi, kasama nito ang isang George na kanya umanong boss.

Mabuti naman at hindi na siya mahihirapan lalo na ngayong mayroon pang pandemya. Subalit, nabasa na raw ni Raffy Tulfo ang kanilang mga mensahe at inaantay nila ang tugon kung paano tatakbo ang kaso laban sa kanyang asawa.

Loading…