Care to stop? Babae huminto sa pagmamaneho upang pulutin at iligtas ang kuting sa gitna ng daan

Imahe via Sheena Mae Salubre Forones | Facebook
  • Habang binabaybay ang highway, biglang tumigil sa pagmamanaho ang isang babae at bumaba ng sasakyan upang pulutin ang kuting sa gitna ng kalsada
  • Namangha naman ang kanyang mga kaibigan kaya kumuha sila ng mga larawan at ibinahagi ang mga ito sa social media
  • Lalo namang hinangaan ang babae na isa palang social media influencer at sikat sa kanyang mga nakatatawang reaction at commentary posts

Minsan may mga hayop tayo na nakikitang nakahambalang sa daan. Napakadelikado nito para sa kanila dahil maaari silang mapahamak.

Imahe via PIxabay | Facebook

Kadalasan kapag nagmamaneho tayo, iniiwasan natin sila para hindi sila masaktan. Kaya lang may mga panahon na mahirap din tantiyahin ang kanilang galaw dahil maaaring kung saan tayo patungo, doong direksyon din sila papunta.

Para maiwasan ang ganitong pangyayari, minabuti ng isang babae na nagngangalang Starr Reyes ang huminto muna sa gitna ng daan at bumaba ng sasakyan upang kunin ang kuting na tila hirap sa paglalakad.

Sa kuwento ng kaibigan niyang si Sheena Mae Salubre Forones, nakisakay umano sila kay Starr nang bigla na lamang itong huminto sabay sabing, ”Hala, wait!”

Bumaba raw siya ng sasakyan dahil may kuting pala sa gitna ng kahabaan ng highway ng Silway, General Santos City.

Imahe via Sheena Mae Salubre Forones | Facebook

At dahil takot si Starr na baka kalmutin ng kuting, tinanggal nito ang kanyang mga tsinelas upang gamiting panghawak. Naglakad siya nang nakayapak papunta sa gilid ng daan. Naroon pala ang mga kapatid ng kuting at kanilang ina. Ibinalik niya ito sa kanila.

Kinunan ng larawan ni Sheena ang mga sandaling iyon nang hindi alam ni Starr. Nang bumalik si Starr sa sasakyan pumalakpak daw sila. Agaran silang umalis dahil nagkaroon na ng traffic ng mga sasakyan sa kanilang likuran.

Ibinahagi ni Sheena sa social media ang kanyang mga larawan at dito pa mas lalong hinangaan si Starr. Bukod sa pagiging negosyante at maybahay, si Starr ay isang social media influencer na kilala sa pangalang Kurdapya at may-ari ng Facebook page na Kurdapya Atyourservice.

Gumagawa siya ng mga reaction at commentary videos na may nakatatawang big mouth filter kaya ito kinagigiliwan ng karamihan. At sa nangyari, tinawag siyang “influencer with a heart.”

Kung kayo si Starr, gano’n din ba ang gagawin ninyo?

Source :

Facebook

Loading…