Drayber pinagmulta dahil hindi naka-face shield ang pasahero, perang inipon para sa online class ng anak ipinambayad

Imahe via Kim Prandas Rubio | Facebook, Imahe via Canva
  • Pinagmulta ang isang drayber ng traysikel dahil hindi nagsuot ng face shield ang kanyang pasahero
  • Ang masakit dito, ipinambayad niya ang naipon na pera na sana’y para sa online class ng anak
  • Nang malaman ito ng isang netizen, ibinahagi nito ang kanyang kuwento sa social media at agad naman siyang natulungan

Nang sinimulan ang pagpapatupad ng pagsuot ng face shield, ipinaalam ng mga awtoridad na magmumulta sila sa kung sino man ang hindi magsusuot nito. Lalo na sa pampublikong transportasyon, may mga sinisitang drayber dahil hindi nakasuot ng face shield and kanilang pasahero.

Imahe via Department of Transportation – Philippines | Facebook

Gano’n na nga ang nangyari kay tatay, isang traysikel drayber ng San Vicente, Butuan.

Sa kuwento ni Kim Pranda Rubio sa social media, nakausap niya si tatay nang nasa LTO sila at ikinuwento nito na pinagmulta raw siya dahil hindi nakasuot ng face shield ang kanyang pasahero.

Ngayong may pandemya, kakarampot lang ang kita ni tatay dahil kalahati lang angbilang ng puwede niyang isakay na pasahero. Ang masakit pa rito, ang ipon niya na Php 2,000 ay mapupunta lang sa bayad sa multa.

Sa larawan na ibinahagi ni Kim, makikitang may hawak na cellophane si tatay at puro barya raw ang laman nito na mahigit taltong buwan niyang pinag-ipunan. Ito sana ay para sa online class ng kanyang anak.

Agad namang nagbigay ng reaksyon ang mga netizens. Marami ang nadismaya dahil pinagsabihan na lang daw sana si tatay at hindi pinagmulta.

Imahe via Kim Prandas Rubio | Facebook

Ang magandang nangyari, marami ang naawa sa kanya at nagparating kay Kim na magbibigay sila ng tulong.

Sa araw ding iyon, ibinalita ni Kim na marami raw ang nagparating ng tulong pinansyal. Sobra-sobra na raw para kay tatay ang natanggap niya at hindi pa man daw siya masyadong matanda. Nabawi na raw ni tatay ang ibinayad niyang multa at nabigyan na rin siya ng groceries. Subalit, sa mga gusto pa ring magbigay, bukas naman daw siyang ibigay ang numero ni tatay.

Salamat sa malasakit ng isang netizen at social media. Malaki ang naitulong nito para matulungan ang kagaya ni tatay. Paalala naman sa lahat ng pasahero na sumunod tayo sa protocol upang walang drayber ang mananagot sa ating kapabayaan.

Source :

Facebook

Loading…