Fountain ng Ormoc Plaza napuno ng bula: ‘Nice. Maganda. Parang Pasko’ – Netizen

Imahe via I Love Ormoc | Facebook
  • Sa di malamang kadahilanan, napuno ng bula ang fountain ng Ormoc City Plaza
  • Imbes na madismaya, naaliw ang karamihan ng mga netizens dahil para raw itong snow
  • Samantala, nakasasama sa makina ng fountain ang pagkakaroon ng bula na gawa mula sa sabon

Nabulabog ang gabi ng mga taga Ormoc City dahil nadiskubreng bumubula ang tubig sa fountain ng pampublikong plaza nito.

Imahe via I Love Ormoc | Facebook

 

Ibinahagi ng I Love Ormoc sa social media ang video na nagpapakitang napuno ng bula ang fountain ng plaza.

“Maayung Gabie Ormoc knsa kahay nag butang ug sabon sa fountain sa Ormoc City Plaza? Nganong nag bubbles Naman ni? [Magandang gabi, Ormoc. Sino kaya ang naglagay ng sabon sa fountain ng Ormoc Ciy Plaza? Bakit bumubula na’to?],” pahayag nito.

Sa unang tingin, maghihinala kang baka may naglagay ng sabon at kaya nagkaganito. At para humupa ang bula, pinatigil munang paandarin ang fountain.

Nakagigigil dahil tila pinaglaruan ito ngunit para sa ilang netizens nakaaaliw pa ito.

“Ok lang din naman tingnan para na tuloy may snow. At least din hindi makasisira sa mga tao. Or baka may naglaba diyan na hindi gaya natin.”

Imahe via I Love Ormoc | Facebook

“Nice. Maganda. Parang Pasko.”

“Baka may naglaba at diyan ipinatong. Nice tuloy. Parang washing fountain machine.”

Para naman sa iba, sa tingin nila, mag-eenjoy daw ang mga bata sa ganitong tanawin. Kanta na lang daw ang kulang.

Nag-viral ang post na ito at umabot sa 3.4k reactions at 5k shares. Mangilan-ngilang nakatatawang memes na rin ang ginawa ng iba na lalo pang nagpasikat nito.

May nagparating naman ng kanyang pagkadismaya sa kung sino ang may gawa.

“Not funny. Bigyan ng leksyon ang gumawa nito. Baka puwedeng mareview ang CCTV para makita kung sino ang my gawa nito.”

Imahe via I Love Ormoc | Facebook

Subalit, ang pagkakaroon ng bula mula sa sabon sa isang fountain ay nakasasama sa defoamer nito. Maaari ring magbara ang mga sand filters at humina ang filration capabilities. Ang pagpapalit din ng sand filters ay matrabaho kaya malaking abala talaga kapag may nagpa-prank nang ganito.

Samantala, hindi pa nalaman kung sino ang may gawa nito.

Ang Lungsod ng Ormoc ay nasa ialim ng pamamahala ng dating aktor na si Mayor Richard Gomez.

Panoorin ang video rito.

Loading…