Frontliner humiling na magpadasal sa pastora, panalangin na hiling ay hindi para sa sarili

Imahe via Ianne Ventura | Facebook
  • Hinarang ang isang pastora at kanyang anak sa may Marquee Exit ng isang pulis
  • Nang malaman ng frontliner na isang pastora ang kanyang kausap, hiniling nito na magpadasal
  • Kamangha-mangha dahil ang ipinagdasal nito ay hindi para sa kanyang sarili

Kahit gaano pa tayo kalakas at katatag, iba pa rin ang hatid ng dasal sa pagpapalakas ng ating loob at pananalig ngayong panahon ng pandemya.

Imahe via Ianne Venture | Facebook

Kuwento ni Ianne Venture sa social media, Agosto 3, naharang daw sila ng kanyang ina sa Marquee exit. Hindi raw kasi nagpapapasok kapag hindi residente ng Angeles City. Nakiusap naman ang mama niya na sa Marquee lang daw sila. Pinanindigan pa nito na hindi siya nagsisinungaling dahil isa siyang pastora.

Pulis ang humarang sa kanila at sinabing, “Sige po, maam. Patabi na lang po doon.”

Sa sinabing iyon, medyo kabahan ka na dahil pinatabi ka pa sa daan. Subalit, iba ang naging pakay ng pulis na si PO Cato.

“Pastora, pa-pray naman po,” Nagdasal daw sila matapos noon.

Ang hiningi raw ni officer Cato na dasal ay hindi para sa sarili niya. Nakatutuwa naman na naisipan niya ‘yong gawin at hindi rin siya nahihiyang magdasal kahit saan.

Hindi sinabi kung ano ang ipinadasal ni officer Cato. Marahil ito ay para sa mga kasama niya, mga frontliners. Sila kasi itong nasa labas parati para gampanan ang kanilang tungkulin. O ‘di kaya’y baka para sa pamilya niya.

Imahe via Ianne Venture | Facebook

Hinangaan din ng mga netizens ang pastora dahil sa pagtugon sa pangangailangang ispiritual ng pulis. Minsan kailangan natin ng gabay mula sa mga taong mas nakakaalam.

Ibinahagi rin ni Ianne ang larawan ng kanyang ina na nagdasal kasama ang pulis. Umantig ito sa mga netizens kaya umabot ang post niya sa 31k reactions at 14k comments.

Ang kuwentong ito ay magsilbi na rin sanang paalala sa atin na isama natin sa araw-araw na panalangin ang ating magigiting na frontliners upang palakasin ang kanilang loob habang patuloy silang nagseserbisyo para sa atin sa kabila ng banta ng COVID.

Source :

Facebook

Loading…