Isa ka rin ba sa takot makalunok ng buto ng prutas dahil baka tumubo ito sa iyong katawan?

Imahe via We are 90's (Kami ang Batang 90's) | Facebook, Imahe via Pixabay
  • Takot tayong makalunok ng buto ng prutas dahil pinaniniwalaang maaari itong tumubo sa ating katawan
  • Marami sa mga netizens ang nagkuwentong nag-alala sila nang minsan silang nakalunok ng buto
  • Ngunit kung may dapat alalahanin, alamin ang katotohanan ayon sa paliwanag ng siyensya

Ingat na ingat ka ba kapag kumakain ng buto ng mga prutas gaya ng santol? Mayroon kasing paniniwala na kapag nalunok mo ito, tutubo raw ito sa iyong katawan.

Imahe via We are 90’s (Kami ang Batang 90’s) | Facebook

Sa larawan ni Lorenz Raphael na ibinahagi sa We are 90’s (Kami ang Batang 90’s), makikita ang isang pigurin na “tinubuan” ng halaman sa bunganga, ulo, balikat at iba pang bahagi ng katawan. Tila nailarawan talaga nito kung ano ang mangyayari sa iyo kapag nalunok mo ang buto, ayon sa paniniwala.

Nagbigay ng kanya-kanyang reaksyon ang mga netizens.

“Pag nalunok mo daw yung buto ng santol, tutubo raw ‘yon sa tiyan. ‘Yan ay mga panakot ng mga magulang sa kanilang anak.”

“Sa’kin ang nalunok ko buto ng atis. Iyak ako nang iyak. Tapos pinapakiramdaman ko ang sarili ko kung may tumutubo na bang ugat at dahon sa katawan ko. Panay ako iyak. Baka nga may tumubo sa tiyan ko.”

“When I was 5 years old, nalunok ko yung buto ng star apple. Maliit naman siya. ‘Di ko naman sinadya, madulas kasi. Ilang linggo ako umiiyak gabi-gabi kasi naaalala ko ‘yung sinabi ni papa na pag nakalunok ng buto ng prutas, tutubo sa katawan mo. Lalakad daw na may mga sanga. Lumabas sa tainga, bibig, ang mga ugat sa pwet lalabas. Hanggang ngayon pag naalala ko mapatawa na lang ako. I miss you, pa..”

Samantala, nagsaliksik kami para malaman kung may katotohanan ba sa paniniwalang ito.

Imahe via Pixabay

Ayon sa website na Steemit, ang mga buto na nangangailangn ng sulfuric acid ay puwedeng mag-germinate sa tiyan kapag bahagyang natunaw ito ng ascorbic acid. Ang hydrochloric acid ng tiyan ay puwedeng pumalit sa sulfuric acid na kailangan ng buto.

Ngunit matutunaw rin ito ng hydrochloric acid. Kulang din ng starch at fat ang ating tiyan para tuluyan itong sumibol.

Dahil dito, wala tayong dapat alalahanin. Ngunit kailangang mag-ingat pa rin kapag kumakain lalo na ng mga may malalaking buto dahil maaari itong bumara sa ating lalamunan.

Source :

Steemit, Facebook

Loading…