Lalaki sumabak sa vlogging upang mahanap ang ama na 20 taon na niyang hindi nakikita

Imahe kuha mula sa video ng GMA Public Affairs via YouTube
  • Sumabak sa vlogging ang isang lalaki sa hangaring makarating sa kanyang ama ang kanyang paghahanap 
  • Nakipag-collaborate pa siya sa isang sikat na vlogger upang mas lumawak ang kanyang audience
  • Hindi naman siya nabigo dahil isang araw, may nagpaabot sa kanya ng mensahe patungkol sa kanyang ama

Mahirap lumaki nang walang tatay, kaya para kay Mohammad Qasam “Sam” Pervaiz, isang 20 taong gulang na half-Pinoy at half-Pakistani, sumabak siya sa vlogging sa hangaring baka isang araw ay mahanap na niya ang kanyang ama sa pamamagitan nito.

Imahe kuha mula sa video ng GMA Public Affairs via YouTube

Ibinahagi ng Kapuso Mo Jessica Soho ang kuwento ng kanyang paghahanap sa amang 20 taon na niyang hindi nakikita.

Ayon sa kanyang inang si Josephine Joson, nagkakilala sila ng ama ni Sam na si Muhammad Pervaiz sa Hongkong. Noon ay mayroong negosyong delivery services ito. Si Sam ang naging bunga ng kanilang relasyon. Kinalaunan ay nagpasya siyang umuwi at magnegosyo sa Cabanatuan City. Dumadalaw lamang kada dalawang linggo ang ama ni Sam.

Subalit nagkaroon sila ng problema dahil sa tumalbog na tseke at pinaharang ng bangko sa Bureau of Immigration si Muhammad. Dahil dito hindi na siya nakabalik ng Pilipinas. Nawalan na rin sila ng komunikasyon.

Ginawa ni Josephine ang lahat upang maitaguyod nang mag-isa ang kanyang anak. Pinasukan niya ang paglalabada, pagpapaplantsa, pagpapalinis at iba pang puwedeng mapagkakitaan.

Imahe kuha mula sa video ng GMA Public Affairs via YouTube

Samantala, sa kagusutuhang mas dumami ang viewers ni Sam sa kanyang vlogs, nakipag-collaborate siya kay Erika Embang, isang sikat na vlogger. Sa bawat episode nila, nanawagan si Erika para makatulog sa paghahanap ni Sam sa kanyang ama.

Isang araw may kumontact kay Sam. Nagpadala ito ng larawan at kinumpirma ni Sam na ama nga niya ito. Ang kumontact sa kanya ay anak pala ng kanyang ama sa iba nang pamilya. At nalaman niyang nasa Hongkong pa rin pala ito naninirahan.

Ibinalita ito ni Sam sa kaarawan ng kanyang ina na siyang lubos na ikinatuwa nito.

Matapos ang ilang araw na paghihintay, nagkausap din sila sa pamamagitan ng video call. Nalaman ni Sam na ipinahanap pala sila ng kanyang ama ngunit nabigo ito dahil wala na sila sa dating tinutuluyan.

Sa wakas, natuldukan na rin ang kanyang paghahanap. Kuwento niya, napunan na raw ang puwang sa kanyang puso ngayong nakita na niya ang kanyang ama.

Sana’y magbigay ng pag-asa ang kuwentong ito sa mga kagaya ni Sam na matagal na ring naghahanap sa kanilang kapamilya.

Panoorin ang episode ng KMJS dito.

Source :

YouTube, GMA News

Loading…