Larawan ng food rider na nagbigay ng pagkain sa pusang nanghingi sa kanya umantig sa mga netizens

Imahe via Ye Khaung Oo | Facebook
  • Isang larawan ng food delivery rider ang umantig at nagdulot ng tuwa sa mga netizens
  • Nakabisikleta lang si kuya at habang kumakain ng kanyang baon, may lumapit na pusa at ‘di naman nabigo nang humingi ito ng pagkain sa rider
  • Isang simpleng larawan lamang ito ngunit nagpahiwatig ito na marami pa ring mabubuti sa panahon ngayon

Lumakas ang food delivery services ngayong taon dahil sa banta ng COVID.

Imahe via Food panda Rider jobs available | Facebook

Ang mga food riders ay kabilang sa mga frontliners kung saan sila ang lumalabas para kumuha at maghatid ng ating mga orders sa halip na tayo. Mahirap man ang trabaho nila, pinipilit nilang kayanin dahil ang ilan sa kanila ay pumasok sa pagiging rider dahil nawalan sila ng trabaho nang nagsara ang ibang mga kompanya.

Ngunit sa kabila ng mga pagsubok, hindi nila nalilimutang maging mabait at mapagbigay pa rin sa iba. Gaya na lamang sa larawang inupload ni Ye Khaung Oo sa social media. Naging sobrang viral ito at umabot sa 102k reactions at 95k shares.

Imahe via Ye Khaung Oo | Facebook

Sa larawan, makikitang tumigil saglit ang isang Food Panda rider para kumain. Itinabi niya muna ang kanyang bisikleta. Tiyempong nakahanap naman siya ng isang maliit na plastic drum na saktong puwede niyang upuan. Habang kinakain ang kanyang baon, may pusang lumapit upang manghingi sa kanya. Sa halip na itaboy ito, binigyan niya pa ito ng pagkain.

Isang nakaantig na eksena ito na nagpapatunay na hindi pa tayo lubusang nawawalan ng mga mababait na kapwa. Para kay Ye Khaung Oo, ito ay tinawag niyang isa sa mga bihirang sandali ng pag-ibig at kabaitan sa gitna ng malupit at mapagkunwaring ‘sibilisasyon’.

“One of those rare, defining moments of love and kindness in the midst of cruel and hypocrite ‘civilizations’.”

Saludo naman sa kanya ang mga netizens lalo na ‘yong alam ang hirap ng trabahong ito. Umulan man o umaraw, nariyan sila para magserbisyo. Kaya naman ang iba, nagbibigay ng tip sa rider.

Mabuhay ka, kuya. Salamat sa pagbigay mo ng inspirasyon  sa lahat.

Source :

Facebook

Loading…