Aso matiyagang nag-aabang sa kanyang ‘treats’ araw-araw mula sa mabait na tindero ng BBQ

Imahe via Cecil Fernandez | Facebook
  • Napansin ng netizen na nakaabang ang isang aso sa barbeque stall
  • Ayon sa tindero, matiyagang nag-aantay ang aso kada pagdating niya dahil binibigyan niya ito ng treats
  • Natuwa ang netizen sa kabatitan ng tindero kaya kinunan niya ito ng larawan upang magbahagi ng good vibes sa social media

Isang kahanga-hangang kuwento ng kabaitan ang naibahagi sa Hope for Strays in the Philippines FB page.

Imahe via Cecil Fernandez | Facebook

Ayon kay Cecil Fernandez habang nasa Antipolo Street, Guadalupe Nuevo, Makati siya upang ihatid sana ang pusang ipaa-adopt niya, nakita niya ang tindero ng barbeque na inaayos ang kanyang puwesto. Sa harap nito ay may isang aso na tila nagbabantay sa lalaki.

Nilapitan ni Cecil ang lalaki at sinabing,”Hi, kuya. Ang cute naman ng aso mo nakabantay sa ‘yo.”

Sumagot naman ang tindero na hindi niya pala ito aso ngunit kabisado raw ng aso ang oras ng kanyang pagdating kaya siya nandiyan. Tinanong ni Cecil kung bakit nakaabang ang aso at ito ang sagot ng tindero.

“Lagi po kasi siyang may treats sa’kin so wait niya po muna ako maka-set up.”

Sabi ni Cecil, “Naks naman. Ang sweet and ang bait mo naman, kuya. Bless you. Sana makaubos ka. Picturan ko kayo, pang good vibes lang.”

Kinunan ni Cecil ng larawan ang dalawa at tila alam ng aso na kinukunan sila ng litrato kaya nakatingin din ito.

Naghatid nga ng good vibes ang kuwentong ito sa mga animal lovers sa page. Kuwento ng isang netizen, marami raw mga nag-aabang na mga pusa at asong gala sa mga barbeque stand dahil marami raw ang bumibili para ibigay sa kanila.

Imahe via Cecil Fernandez | Facebook

“Maraming salamat po at God bless you and your family. Dito rin sa amin lagi nakaabang mga stray dogs sa mga bbq stand kasi may mga tao na talagang bibili para sa stray dogs or cats. Nakatutuwa. Nag-try ako atay (gawain ko kasi may dala ako laging dog or cat food, yun pinamimigay ko sa nadadaanan) . Tapos binigay ko kay doggy, hindi kinain. Sabi ng nagtitinda ng bbq ayaw ng mga ito ang iluluto pa at lalagyan ng sauce na atay. Yun na mismo, kasi napakuluan na naman yung atay. Yun bili ulit ako. Kinuha niya at pumunta sa isang tabi at dun niya kinain.”

Sana marami pa ang tumulad sa tindero, may malasakit sa mga hayop. Malamang suwerte sa negosyo ang posibleng hatid nito sa kanila.

Source :

Facebook

Loading…