PWD nagsasaka pa rin para maitaguyod ang 83-anyos na ina, vlogger nagpaabot ng tulong

Imahe vi Hub Er Ly | Facebook, Imahe kuha mula sa video ni Archie Hilario - Pobreng Vlogger via YouTube
  • Hirap mang makalakad dahil sa kapansanan, nagsasaka pa rin ang isang 53 taong gulang na lalaki
  • Ginagawa niya ito upang makabawi sa kanyang ina na mag-isang pinalaki silang magkakapatid
  • Umabot sa isang vlogger ang kuwento ng kanyang kasipagan at pinuntahan siya upang bigyan ng surpresa

Kahit na may kapansanan, kumakayod pa rin si Mang Danilo Solis, 53, ng Cabatanga, Makato, Aklan para itaguyod ang kanyang 83-anyos na ina.

Imahe via Hub Er Ly | Facebook

Siya ay nakaranas ng polio noong kabataan kaya siya gumagamit ngayon ng saklay. Bata pa lang siya nang iniwan ng kanyang ama. Ngayon, kaya siya nagsusumikap ay para masuklian ang pag-aaruga na ipinamalas ng kanyang ina.

Ang kanyang kasipagan ay pumukaw sa atensyon ng isang concerned citizen at ibinahagi nito sa social media ang kanyang kuwento. Humanga naman ang mga nakabasa sa post. Naging viral ito hanggang sa umabot sa kaalaman ng “Pobreng Vlogger”.

Pinuntahan ni Archie Hilario, ang taong nasa likod ng “Pobreng Vlogger”, at ng kaibigan niyang attorney si Mang Danilo. Sa kanilang panayam nalaman nilang may kapatid pa pala si Mang Danilo ngunit nasa Maynila ito. Pareho silang hindi pa nakapag-asawa.

Kapag walang sinasaka, nagsisibak umano si Mang Danilo ng kahoy para ibenta. Mabuti rin at pinapadalhan siya ng pera ng kanyang kapatid.

Imahe kuha mula sa video ni Archie Hilario – Pobreng Vlogger via YouTube

Bukod sa pagbisita, naghatid din ng surpresa ang “Pobreng Vlogger”. Nagbigay sila ng 25 kilong bigas, groceries at limang libong piso. Mangiyak-ngiyak si Mang Danilo sa ‘di inaasahang tulong. At hindi pa doon nagtatapos ang kanyang mga biyaya dahil nais din ng “Pobreng Vlogger” na bigyan siya ng kabuhayan  para may kikitain pa rin siya kung walang sinasaka.

Kaya kung ikaw man ay nahihirapan ngayon sa kinalalagyan mo, lagi nating tandaan na may mas hirap pa sa atin ngunit hindi bumibitaw sa mga pagsubok.

Panoorin ang buong vlog dito.

Source :

Facebook, YouTube

Loading…