Security guard na may rolling store? Manong hinangaan sa galing ng diskarte

Imahe via Manila Teachers Mutual Aid System - Tacurong City | Facebook
  • Nakamamangha ang diskarte ng security guard sa isang money remittance center sa Sultan Kudarat
  • Bukod sa trabaho nito, mayroon din siyang tricycle na ginawang rolling store sa labas ng establisimyento
  • Napabilib ang kliyente na nakausap ng guard kaya ibinahagi nito ang kanyang istorya sa social media para magbigay inspirasyon sa lahat

Naniniwala ka bang kahit hindi ka mayaman basta’t mayroon kang diskarte, kaya mong makaraos sa buhay?

Imahe via Manila Teachers Mutual Aid System – Tacurong City | Facebook

Tunay na kahanga-hanga ang isang security guard na ikinuwento ng Manila Teachers Mutual Aid System – Tacurong City sa social media. Ayon sa lalaking nagbahagi ng post, nasa MLhuillier Tacurong City Branch daw siyang para kunin ang ipinadalang pera, hapon ng Setyembre 1. Napansin niya na ang security guard ng establisimyento ay mayroon tricycle na ginawang rolling store at nakapuwesto rin ito sa labas.

Security guard na si kuya, tindero rin siya ng kanyang munting tindahan. Ang galing nga naman!

Nilapitan ng lalaki ang guard at kinausap. Ito naman ang sagot sa kanya.

“Kahit ano, sir, basta’t marangal.”

Imahe via Manila Teachers Mutual Aid System – Tacurong City | Facebook

Oo nga naman. Ang tunay na madiskarte, walang pinipili na trabaho o hanapbuhay at maging gaano man ito kasimple, hindi ito ikinahihiya. Lalo na ngayon na may pandemya tayo at nangyayari ang lockdown, ang dati nating regular na trabaho ay wala nang kasiguraduhan. Nakakakaba lalo na’t may pinapakain at pinapa-aral ka. Sa hirap din ng buhay ngayon, minsan kulang ang kinikita upang tustusan lahat ng pangangailan ng pamilya kaya mas nakabubuti kung mayroon ka pang sideline.

Humanga ang mga netizens sa galing ni manong guard. May nagkuwento na isa raw siyang mabait na guard at madali lang daw lapitan at nakangiti pa pag kinakausap. Matagal na rin daw siyang nagtatrabaho roon. May nagsabi rin na uncle niya ito at ipinagmamalaki niya.

Nawa’y lalo ka pang gabayan ng Panginoon manong para tatagal ka pa sa iyong trabaho at negosyo.

Kudos din sa MLhuillier dahil hindi siya pinagbawalan na gawin ito.

Source :

Facebook

Loading…