Siyam na taong gulang nagbebenta ng meryenda sa gitna ng pandemya para makatulong sa pamilya

Imahe via Aeron Alcantara | Facebook
  • Isang siyam na taong gulang na lalaki ang naglalako pa rin ng meryenda kahit na bawal lumabas ang mga kagaya niya dahil sa COVID
  • Ang nais lamang nito ay kumita para may maiuwing pera sa kanilang pamilya
  • Pinuri siya ng mga netizens dahil sa kabaitan ngunit may nangamba rin para sa kanyang kaligtasan

Habang nananatili sa bahay ang mga bata dahil sa banta ng COVID, hindi nito napigilan ang isang siyam na taong gulang na batang lalaki na lumabas.

Imahe via Aeron Alcantara | Facebook

Sa kuwento ni Aeron Alcantara ng San Pablo City, isang batang lalaki ang naglalako pa rin ng mga paninda sa gitna ng pandemya. Siya si John Banderada. Kahit umulan raw o umaraw, patuloy pa rin siya sa paglalakad upang maibenta ang mga dala niyang meryenda.

Sa larawang ibinahagi ni Aeron, nakatigil sa gilid ng daan si John katabi ng kanyang basket. Nakaupo siya at kumakain ng hotcake.

Siguro kung walang COVID, ang mga kaedad niya ay kasama na ang mga kalaro sa labas o ‘di kaya’y nakababad sa mga gadgets. Ngunit may ibang hangarin si John kaya siya nagbebenta. Nais niyang makatulong sa pamilya lalo na ngayon na buntis ang kanyang ina. Magkakaroon na siya ng kapatid kaya lalo rin siyang nagsisiskap.

Pinuri naman siya ng mga netizens dahil sa pagiging mabait na bata. Samantala, mayroon ding nag-alala dahil may panuntunan na bawal lumabas ang mga bata.

Imahe via Aeron Alcantara | Facebook

“Hala! Buti pinapayagan sa San Pablo lumabas eh. Siyam na taong gulang lang siya. Bawal dapat lalo delikado at may COVID ngayon. Nasaan ba mga magulang niya? Ba’t ‘di sila ang maghanapbuhay? Kawawa naman. Sipag. Sana mag-aral ka pa rin at mag-aral mabuti. Keep up the good heart. God bless you, bhe! Ingat much. Naku lalo ngayon dapat nasa bahay ka na lang tumutulong eh at nag-aaral. Delikado.”

Kung pagmasdan mo ang iyong kapaligiran, may mangilan-ngilan ka pa ring makikita na mga bata na lumalabas ngunit hindi para maglaro kundi para maghanapbuhay. Dahil sa pandemya, marami ang nawalan ng trabaho at pinagkakakitaan. Kahit may negosyo ka, naging matumal din ito. Kaya sa pagnanais na makaraos sa krisis, kailangang magdoble kayod kahit na may pangamba.

Saludo kami sa iyo, John. Sa murang edad mo, marunong ka nang magmalasakit at tumulong sa pamilya.

Source :

Facebook

Loading…