Ina may mahigpit na bilin sa anak niyang kinasal: ‘Magsarili sila. You have to leave your family to start your OWN family’

Imahe via Sa Rah | Facebook
  • Isang ina ang nagbahagi sa social media ng mahigpit niyang bilin sa kinasal niyang anak
  • Ito ay ang pagbukod sa mga magulang dahil ang pag-aasawa ay pagbuo ng sariling pamilya
  • Marami umanong mga bagay ang puwedeng maging dahilan ng hindi pagkakasundo ng mga anak at mga in laws kapag magkasama sa iisang bubong

Ang pag-aasawa ay isang panibagong yugto ng ating buhay. Ito ay dapat pinaghahandaan dahil kaakibat nito ang mga pagsubok na kakaharapin ng dalawang taong nagmamahalan.

Imahe via Sa Rah | Facebook

Para sa isang ina na may ikakasal na anak, ang pagbibigay ng payo ay napakahalaga dahil magsisilbi itong gabay ng bagong mag-asawa. Kung karamihan ng mga magulang ay patungkol sa pagbibigayan at pag-iintindihan ang binabanggit, iba naman ang mas pinagtuuan ng pansin ni Sa Rah.

Sa post na ibinahagi niya sa social media, ikinuwento niyang kinasal ang kanyang panganay na anak taong 2019. Natural daw umano na singhaba ng tren ang kanyang mga paalaala at bilin.

“Pero if meron akong isang mahigpit na bilin, ‘yun ay ang magsarili sila,” pahayag niya.

Ang pagsasarili ay payong pinaalala niya sa tatlo niyang anak kapag magsisipag-asawa na sila. Hindi raw puwedeng pumisan sa kanila maging sa bahay din ng kanilang mapapangasawa.

“I believe na ang pag-aasawa ay pagsisimula ng panibagong buhay. You have to leave your family to start your OWN family,” paliwanag niya.

Kahit na maaari namang magkaroon ng magandang relasyon sa biyenan may iba na hindi magkasundo. Kaya ang pagbubukod ay mas nararapat dahil natututo ang mag-asawa na tumayo sa sarili nilang mga paa at ayusin ang kanilang mga problema.

Mas makapagbibigay atensyon din ang mag-asawa sa pagbuo ng pamilya nang hindi na kailangan pang makibagay sa iba’t-ibang ugali ng ilan pang nakatira sa bahay.

Image via Canva

Kadalasan din, ang panghihimasok ng mga magulang sa mga aspeto halimbawa ng pagpapalaki ng mga anak ang dahilan ng pagkakaroon ng mapait na relasyon sa mga “in laws”. Minsan, dawit na rin ang mga isyung pinansyal dahil sa hatian sa mga gastusin sa bahay.

Samantala, masuwerte naman si Sa Rah dahil nasunod ng kanyang anak ang kanyang payo. At para sa mga kasalukuyang nakatira sa kanilang in lawsm ito ang kanyang masasabi. “Siguro kung nandoon ka sa gano’ng sitwasyon, tiyaga lang muna and work really hard para makabukod. After all, every wife deserves to be the queen of her own kingdom.”

Tama nga naman!

Loading…