Lolang bulok-bulok ang bahay masuwerteng nanalo ng P275k sa programang ‘Grand Tulong’ ni Raffy Tulfo

Imahe kuha mula sa video ng Raffy Tulfo in Action via YouTube
  • Napalundag si Idol Raffy sa segment na grand tulong matapos mahulaan ng tinawagan ang kanilang programa
  • Napanalunan kasi ng isang lola ang tulong pinansyal na nagkakahalaga ng P275k na ilang araw nang di nakukuha ng iba
  • Parang itinadhana kay lola ang premyo dahil sa nakalulugmok na kalagayan nito sa buhay

May mga suwerteng inilalaan sa mas nangangailangan. Nahuhuli man, pero ito ay mas higit pa sa kinakailangan.

Imahe kuha mula sa video ng Raffy Tulfo in Action via YouTube

‘Yan ang dahilan kung bakit napalundag si Raffy Tulfo sa kanyang segment na Grand Tulong sa Raffy Tulfo in Action. Siya man ay inaasam din na makukuha ng tatawagan ang kanyang premyo.

P275k na ang nakalaang pera dahil hindi nasagot ng mga naunang natawagan o di kaya’y hindi nito nahulaan si Raffy. Sa pagkakataong ito, masuwerteng nanonood sa programa ang natawagan. Parang sinadya talaga na mapupunta sa kanya ang pera dahil ang natawagan ay pamilya ng lolang nanghihingi ng tulong para makaahon sa buhay.

Sa videong ipinalabas ng programa, naibahagi ang kaawa-awang kalagayan ni Lordiz Sison, 78 taong gulang. Wala siyang klarong pinagkukunan ng pera at nanghihingi na lamang sa kanyang mga kapatid. Makikita ring butas-butas ang bubungan ng kanyang bahay at pinagtagi-tagping sako lamang ang mga dingding nito, dahilan upang mababasa ang loob sa tuwing umuulan.

Kung nagkakasakit naman siya, tinitiis na lamang niya ang nararamdaman dahil wala rin siyang pambili ng gamot.

Di mapantayan ang tuwa ni lola nang makausap ng staff ng programa.

“Salamat po. Malaking bagay ang ibinigay mo sa akin. Buluk-bulok ‘yong bahay ko. Ihipin lang ng hangin, babagsak na,” kuwento niya.

Samantala, hindi rin mapigilan ng staff na maluha sa kuwento ng buhay ni Lola Lordiz.

Imahe kuha mula sa video ng Raffy Tulfo in Action via YouTube

Natuwa naman ang mga netizens dahil napunta sa karapat-dapat na tao ang tulong na’ yon.

Ayon kay Ca RoL,” Deserve ni Lola yung grand tulong ni, sir IdoL Raffy. May the Lord bless you more and more IdoL Raffy so that you may continue to bless others.”

Kumento ni Royan1980 Yantei23, ”Blessed ka lola dahil para talaga yan sa’yo dahil ilang araw na yan na ‘di nakukuha lola. Laan talaga ‘yan para sa’yo lola. Gumawa ang God ng way.”

Sana’y magamit ni lola ang pera sa tamang paraan at tuluyan nang makamtam niya ang kaginhawaan at mababago nito ang kanyang buhay.

Panoorin ang video rito.

< iframe width=”640″ height=”360″ src=”https://www.youtube.com/embed/mbfipNqBCBc” frameborder=”0″ allow=”accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture” allowfullscreen></iframe >

Source :

YouTube

Loading…