Guwardya ng mall nakikipaglaro sa mga aso habang nagbabantay, eksena nagbigay ng good vibes sa mga netizens

Imahe kuha mula sa video ni Kimbherly P. Villasanta via Facebook, Imahe via Khimberly P. Villasanta | Facebook
  • Ibinahagi ng isang netizen kung paano siya napasaya ng isang guwardya sa mall
  • Nasaksihan niyang nakikipaglaro ito sa mga asong gala sa entrance imbes na itaboy niya ang mga ito
  • Marami na ang nagsabi na mababait daw sa mga alaga ang mga guwardya ng naturang mall 

Marahil ang tingin natin sa mga guwardya ay strikto dahil malaki ang kanilang responsibilidad sa pangangalaga sa kaayusan at seguridad ng kanilang nasasakupan. Ngunit may mga guwardyang may malambot na puso, hindi lamang para sa mga tao kundi pati sa hayop.

Imahe via Khimberly P. Villasanta | Facebook

Ito ang nasaksihan ni Kimbherly P. Villasanta kung kaya’t agad niya itong ibinahagi sa social media dahil ayon sa kanya, “Happiness, [is] only real when shared.”

Nasa RFC Molino at nag-aantay siya sa loob ng sasakyan nang natanaw niya sa labas ang guwardya ng mall. Imbes na itaboy ang dalawang asong gala sa may entrance, nakikipaglaro pa siya sa mga ito. Ibang klaseng saya raw ang hatid nito kay Kimbherly.

“Iba yung saya ko while watching them. God bless you, kuya and sa mga guards diyan. Si kuya lang kasi na-capture ko pero lahat ng guards diyan maamo yung mga dogs.”

Kaya pala maamo sa kanila ang mga aso dahil binibigyan nila ito ng pagkain. Kitang-kita naman ang pag-iling ng mga buntot ng aso. Tiwalang-tiwala sila na hindi sila itataboy. At sa pangangatawan ng mga ito, mukhang regular silang nakakakain dahil hindi naman sila payat.

Samantala, nagbigay din ng good vibes ang eksenang ito sa ibang netizens.

“Ramdam po ng mga aso ang taong mabuti ang kalooban. Salamat kay kuya guard na mabuti ang trato sa katulad nila.”

“Isa lang ibig sabihin niyan, siya ay isang dog lover. Nakatutuwa silang panoorin. God bless kay kuya guard.”

Imahe kuha mula sa video ni Kimbherly P. Villasanta via Facebook

Kuwento naman ng ilan, maluwag pagdating sa pagdadala ng alaga ang mall na ito.

“Yes sa RFC mall pwede nga po isama ang mga alaga natin dog diyan pag bibili ka. Nakatutuwa nga si kuyang guard. Nagtatanggal ng pagod at stress niya ang paglalaro ng mga aso.”

“Pati nga rin nong nagpunta ako sa appliance center. Sabi ko sa guard,’ Iwan ko rito baby dog ko sa labas, ah. Pakitingnan.’ Sabi niya, ‘Ipasok mo na lang po ma’am. Maiinitan siya riyan. At least sa loob, aircon.’ Thanks, manong guard.”

Minsan, hindi natin alam na ang pagiging mabait natin sa iba ay nagdulot na pala ng saya sa mga nakakakita nito.

Panoorin ang video clip na kuha ni Kimbherly.

Source :

Facebook

Loading…