Job order employee nagsauli ng bag na may P800k halaga ng alahas, may-ari nagbigay ng P20k pabuya

Imahe via Donde Soria Buenaagua Consuelo | Facebook
  • Itinurn-over ng isang job order employee ang bag na may lamang alahas sa tanggapan ng pulisya
  • Layunin nitong maisauli sa may-ari ang mga alahas na halos isang milyon ang halaga.
  • Nakatanggap siya ng pabuya mula sa may-ari ng bag at pagkilala mula sa pulisya

Isa na namang magandang balita ng katapatan ang naibahagi sa social media. Nagpapatunay lang ito na kahit taghirap ngayon, marami pa rin ang mga nananatili sa tuwid na daan.

Imahe via Donde Soria Buenaagua Consuelo | Facebook

Sa ulat ni Donde Soria Buenaagua Consuelo ng Brigada, ibinalik ni Ener B. Rojo, ang bag na may lamang alahas na aabot sa P800k. Nakita nito ang bag na naiwan sa labas ng isang lotto outlet at napagpasyahan niyang personal na iturn-over ito sa tanggapan ng PNP sa Camp Wenceslao Q. Vinzons, Barangay Dogongan.

Agad namang nakarating ang may-ari ng bag na si Mrs. Arceli Apolinario, isang senior citizen at nasaksihan ng mga hepe na sina PCol Marlon Tejada PNP Provincial Director Ng PNP Camarines Norte at at ni PLCol Rogelyn Calandria hepe ng Police Community Affairs and Development Unit. Bilang pabuya sa kanyang katapatan, nakatanggap ng P20,000 si Rojo. Binigyan din siya ng pagkilala ni PCol Marlon Tejada dahil sa kanyang ginawa.

Imahe via Donde Soria Buenaagua Consuelo | Facebook

Si Rojo ay isang job order employee ng Engineering Department ng kapitolyo ng Camarines Norte.

Hinangaan siya ng mga netizens dahil kahit sa kalagayan niya na isang contractual employee, hindi ito nasilaw sa alahas. Kaya panawagan nila, sana’y gawin nang regular na empleyado si Rojo.

“Dapat ang pinaka-reward is maging regular dahil isa siya sa magiging sample as good employee. ‘Di corrupt kasi. Di nasisilaw sa pera.”

“Job order ng kapitolyo dapat maregular ka na. Mapagkatitiwalaan kang tunay. Maswerte ang mga pinaglilingkuran mo, kuya.”

“Matibay hindi natukso sa kabila ng pandemya. Puwede ‘yan i-regular ng government!

Imahe via Lynneiwin Ebonia | Facebook

“Good job po. Buti may busilak na puso ang nakakuha at naibalik sa may-ari. Pero bakit naman po dala-dala ng may ari ng alahas na ganyan kadami, alahera po ba sya?”

“Wooow. Good job, kuya. Napakabait mong tao. Pagpapalain ka ng Panginoon dahil sa kabaitan mo. Sana mrami pa maging katulad mo. God bless you!”

Ang mga alahas ay nawala at nagpaskil ang may-ari ng mga larawan nito. Isinaad din niya sa papel na may pabuyang P20,000 sa sinuman ang makapagsauli nito.

Loading…