P30,000 computer loan inilunsad ng GSIS para sa mga miyembro

Imahe via Government Service Insurance System | Facebook
  • Inilunsad ng GSIS ang programang computer loan para sa mga miyembrong nangangailangan nito para sa work from home setup at online classes 
  • Makahihiram ang isang miyembro ng hanggang P30,000
  • Basahin sa ibaba ang mga kwalipikasyon ng mga maaaring mag-apply

Inilunsad ng Government Service Insurance System (GSIS) ang computer loan program para sa kanilang mga miyembro.

Imahe via Government Service Insurance System | Facebook

Ang programang ito ay handog para sa mga work-from-home employees at kanilang mga anak na kasalukuyang kasama sa online distance learning. Maaaring makahiram ang isang miyembro ng hanggang P30,000.

Ito ay alok ng ahensya sa loob ng anim na buwan.

Para makapag-loan kailangang ikaw ay isang aktibong miyembro ng GSIS na may permanenteng katungkulan, nakapagbayad ng tatlong buwang premium para sa personal share at government share, walang nakabinbing kasong administratibo at kriminal, hindi naka-leave without pay, walang past due GSIS loan (maliban sa housing loan), hindi nagtatrabaho sa ahensyang kasalukuyang “suspended” at may minimum net take home pay na P5,000 o halagang ibinigay ng General Appropriation Act matapos mabawas lahat ng buwanang obligasyon.

Imahe via Government Service Insurance System | Facebook

Sa pahayag ng GSIS president and general manager Rolando Ledesma Macasaet sa ABS-CBN, maaaring gamitin din ito pambili ng load para sa WiFi expense. Abot kaya umano ang loan dahil wala pang isang libo ang monthly amortization nito.

Ang pondo ay diretsong ipapasok sa UMID/eCARD at ipapaalam sa miyembro sa pamamagitan ng email o text message.

Ang loan ay ikakaltas sa loob ng tatlong taon. Ito ay may tubo na 6% per annum at ico-compute base sa diminishing balance.

May ibabawas na P360.00 bilang loan redemption insurance. Kapag sa kasamaang palad ay sumakabilang-buhay ang borrower habang hindi pa bayad ang utang, makokonsiderang fully paid na ito sa bisa ng insurance.

Imahe via Government Service Insurance System | Facebook

Para makapag-apply ng loan, maaari lamang na pumunta sa tanggapan ng GSIS o sa mga GWAPS kiosks.

Bukod sa mga empleyado ng opisina ng gobyerno na inilipat sa work from home setup, pinakanangangailangan din ng programang ito ang mga guro na mula noong pagbukas ng klase ng Oktubre ay sa kani-kanilang tahanan na nagtuturo online.

Source :

Facebook, ABS CBN

Loading…