Prinsipal ‘hands on’ sa pagsesemento sa istruktura ng eskuwelahan; kasipagan umani ng papuri sa social media

Imahe via Jose Elvis Michelet Lumbo | Facebook
  • Ibinida ng isang anak ang kanyang amang prinsipal na walang kapagurang nagsesemento sa ginagawang istruktura ng eskuwelahan
  • Para sa kanya, katangi-tangi ang dedikasyon nito sa kanyang trabaho at papel bilang isang prinsipal 
  • Lalong umani ng papuri ang kanyang ama na kilala ng magaling, masipag at butihing guro ng mga estudyante

Ang prinsipal ang siyang tagapamahala ng isang eskuwelahan. Sinisiguro niya ring ang mga guro ay nagtuturo nang naaayon sa pamantayan para sa ikauunlad ng mga estudyante.

Imahe via Jose Elvis Michelet Lumbo | Facebook

Ngunit hanggang saan ba ang papel na kaya nitong gampanan?

Para kay Elmer Lumbo, 59, prinsipal ng Habana Integrated School, Buruanga, Aklan, umaapaw ang kanyang dedikasyon at pagmamahal sa trabaho na kahit pagco-construction sa mga istruktura ng kanilang eskuwelahan ay hands on siya.

Anak niya mismo ang nagbahagi sa social media ng kanyang pinagkaaabalahan. Sa post ni Jose Elvis Michelet Lumbo, sinabi niyang 8:51 PM na ng gabi at nasa skul pa ang kanyang tatay dahil nagsesemento pa ito ng hagdan at nagri-riprap.

“Wala ako kakita ka principal sa bilog ka Pilipinas nga ga-mason, ga-construction kag gapasadya kang school nila. Si tatay Sir Elmer Lumbo lang gid, principal kang Habana Integrated School, Buruanga, Aklan,” paglalarawan niya sa kanyang ama sa kanilang diyalekto.

Sa kuwento ni Jose Elvis sa Aksyon Radyo Iloilo, masipag daw talaga ito. Hindi na nga raw umuuwi ang kanyang tatay sa kanilang bahay tuwing tanghalian dahil tinatapos pa nito ang mga papeles sa skul.

At kahit noong kaarawan nito noong July 19, maaga pa raw itong pumunta ng skul para magdilig ng mga halaman.

Kaya raw ito nanguna sa konstruksyon sa mga istruktura dahil sinisiguro nitong tama ang pagkagawa at nag-oovertime ito para mabawasan ang kanyang mga gawain.

Imahe via Jose Elvis Michelet Lumbo | Facebook

Ang katangian ni sir Elmer ay hindi na bago sa kanyang mga estudyante dahil kilala na siya sa pagiging masipag. Sa post na iyon ni Jose Elvis, muli siyang umani ng papuri mula sa kanila.

Sabi ni Rhoby Fernandez, “Sir Elmer Lumbo is a very dedicated educator, a loving husband and father and a very down to earth, hard-working man. Thank you sir for your exemplary service to our learners and co-workers. May God bless you with good health and safety always.”

“Di talaga siya nagbago kahit principal na siya. Teacher pa namin ‘yan ng elementary. Ganyan na siya. Proud ako sir Elmer na naging teacher kita. Grade 6 adviser namin ‘yan ng elementary.”

Si sir Elmer ay may anim na anak kung saan apat sa kanila ang nakapagtapos na ng pag-aaral. Dalawa naman sa mga ito ang naging guro.

Loading…