Sumasayaw na traffic enforcers nagbigay ng good vibes sa kahabaan ng highway kahit may pandemya

Imahe kuha mula sa video ni Jerimy Cafugauan Bayucan via Facebook
  • Nagbigay ng aliw sa mga dumaraan ang pagsasayaw ng mga traffic enforcers ng Ilagan City, Isabela
  • Paraan daw nila ito upang maghatid ng good vibes lalo na ngayong may pandemya

Ngayong may pandemya, kahit na anong magpapangiti sa atin ay napakaimportante. Ito’y nagpapaalala na kailangang tuloy pa rin ang buhay. Laban lang!

Imahe kuha mula sa video ni Jerimy Cafugauan Bayucan via Facebook

Matagal nang pinauso noon ng mga traffic enforcers ang pagsasayaw habang nagmamando ng trapiko. Subalit paglipas ng panahon, unti-unti na itong nawawala.

Ngunit para kay Jerimy Cafugauan Bayucan ng Ilagan City, Isabela, ginagawa pa rin niya ito lalo na ngayong may pag-aalala tayo dahil sa pandemya. Inupload niya ang kanyang video na sumasayaw.

Tinawag niya pa itong #drop_your_workDance_challenge at hinamon ang mga kaibigan niya.

Sa video maririnig na may pinatugtog siyang kanta at lalo pa itong nakaka-good vibes dahil ito ay mga kantang Pasko. Sa iba pang video ay may kasama siyang isa pang traffic enforcer na sumasayaw.

Si Bayucan, 26 taong gulang, ay traffic enforcer mula pa noong taong 2014. Noon pa man, sinimulan niya na ang pagsasayaw.

Na-pickup ng malalaking news sites ang video niya at lalo itong kumalat sa internet. Maraming netizens ang natuwa sa video at narito ang ilan nilang reaksyon.

“Wow! Kung ganyan mga enforcers walang awayan sa lansangan. Maaaliw pa ang mga motorista at pasahero. God bless both of you.”

Imahe kuha mula sa video ni Jerimy Cafugauan Bayucan via Facebook

“Ganyan dapat ang mga traffic enforcers nagta-traffic, ;di gaya ng karamihan naghihintay lang na may magkamali para hulihin at may makutongan.”

“Kung ganyan ba ang mga traffic enforcers sa ibat-ibang lugar eh di masaya, walang gulo sa kalsada. ‘Di ba mga sir?  Ipagpatuloy n’yo lang para malaki ang bonus sa Pasko.”

“God bless po mga sir. Kung ganito lahat ng traffic enforcers, happy together walang away. Sana po tularan n’yo sila sir sa Ilagan city. Amen.”

Walang ibang mag-aangat ng ating kalagayan kungi tayo-tayo rin. Salamat sa walang pagod na pagpapasaya ng ating mga traffic enfocers dahil kahit papaano nakalilimot tayo sa mga pagsubok ngayon.

Source :

Facebook

Loading…