Kapitan hindi kinukuha ang suweldo simula nang maupo sa puwesto, pera nakatulong sa relief operations

Imahe via Reymar Desiderio | Facebook
  • Mula nang maupo sa puwesto si Kapitan Respicio sa isang barangay sa Cagayan, hindi nito kinukuha ang buwanang sahod
  • Dino-donate niya ito sa barangay at nakatulong ito sa rescue at relief operations ng nagdaang bagyo
  • Hinangaan ang kapitan dahil sa tapat niyang panunungkulan at pag-alay ng kanyang biyaya sa barangay

Ang mga opisyal ng gobyerno ay ang siyang tagapangasiwa sa kanilang nasasakupan. Sila ay dapat laging handang magserbisyo para sa mga tao.

Imahe via Reymar Desiderio | Facebook

Ngunit higit pa sa paglilingkod sa kanyang barangay ang nasa puso ng kapitan ng barrio ng Baggao, Cagayan na si retired army S/master Sgt. Gilbert Respicio. Ayon sa sulat ni Reymar Desiderio ng Radio DZCV Tuguegarao, hindi raw nito kinukuha ang kanyang sahod mula pa noong naupo ito sa puwesto noong 2018.

Sa pagtatanong niya sa mga residente at pagsasaliksik, napupunta raw sa barangay hall, mga bisita at pangangailangan ng barangay ang kanyang naiipong sahod. Tunay nga na katangi-tangi ang kapitan na isang retiradong sundalo. 48 na barangay mayroon ang Baggao at nag-iisa lamang siya na ganito.

Humigit isang daang libo na ang naipong sahod ni kap at nagamit din ito sa relief operations noong nagdaang bagyong Ulysses.

Nang siya ay isa pang sundalo, tagapagsalita si Respicio sa programang militar ng isang radyo. Nang magretiro, sumabak siya sa pulitika at agad namang nanalo.

Umani ng saludo si Kapitan Respicio sa kuwento ni Reymar.

“Sana all ganito ang baranggay captain—- inuuna ang kapakanan ng nasasakupan niya kaysa pangangailangan niya. Sana tularan ka po ng iba pang namumuno. Mabuhay ka po sir. Salamat.”

Imahe via Reymar Desiderio | Facebook

“Wow! How great you are Capt. Respicio! You are doing such a great job, captain. May God continue to pour His blessings to you and to your whole family po. Congratulations po!”

Maaaring maluwag sa buhay si Kapitan Respecio kaya dino-donate niya na ang kanyang sahod sa barangay. Sa panahon ngayon kung saan marami tayong naririnig na balita ng korapsyon, nakagagalak malaman na may mga simpleng opisyales ang higit pa sa kanilang tungkulin ang inaalay sa mga nasasakupan.

Malamang hindi ka lang nag-iisa na lingod-bayan sa bansa ang dino-donate ang sahod sa barangay. Kaya sa mga mabubuting lider na kagaya mo, saludo kami sa inyo.

Loading…