Aso matiyagang naghintay ng 30 minuto sa kanyang among namili muna sa grocery

Imahe via Mateo Ahron Belleza Debil | Facebook
  • Napansin ng isang netizen na matagal nang naghihintay sa labas ng grocery ang isang aso
  • Maya-maya nakita niyang may lumabas na ikinatuwa ng alaga
  • Ito pala ay ang amo na matiyaga nitong hinintay na makalabas ng grocery matapos mamili

Ang aso ay hindi lamang bantay sa bahay. Kahit sa mga lakad mo, kaya ka nitong bantayan at hintayin nang matagal.

Imahe via Mateo Ahron Belleza Debil | Facebook

Napansin ni Mateo Ahron Belleza Debil ang isang aso sa labas ng Savemore Bagbaguin nang mag-park siya ng sasakyan. Sa kuwentong ibinahagi niya sa social media, nakatawag daw ito ng pansin sa kanya dahil halos 30 minuto na itong nakaupo sa may hagdanan ng entrance at hindi man lang ito umaalis. Tinanong niya ang security guard kung sino ang may-ari ngunit hindi rin nito alam.

“Tinatawag ko siya. Kinikindatan niya lang ako. Hihi. Parang sinasabi niya, ‘paki kong cute ka.’ “ Hahaha.

Maya-maya may lumabas na babae sa exit. ‘Yon pala ang amo ng aso. Inilarawan ni Mateo ang aso na parang bata raw at tuwang-tuwa na makita ang nanay niya.

Imahe via Mateo Ahron Belleza Debil | Facebook

Kinunan niya ng larawan ang mga sandaling iyon at kahit sino ang makakakita ay tiyak na maaaliw sa kakaibang bonding mayroon ang babaeng amo at kanyang aso.

Good vibes naman ang hatid ng kuwento ni Mateo sa social media. Marami ang may kahalintulad din na alaga at kanilang ibinahagi ito sa comments section.

“Tulad ng dogs ko. Sumasama sa biyenan ko pag namamalengke at papasok sa Puregold si nanay doon lang siya sa guard nakaupo at nag-antay. Pag-akyat ng tricycle ni nanay, akyat din daw siya.”

Imahe via Mateo Ahron Belleza Debil | Facebook

Ngunit nagpaalala naman ang iba na huwag maging kumpiyansa na naiiwan ang asong mag-isa sa labas dahil baka mapagkamalan daw itong gala at kunin ng city pound. May peligro rin daw ang paglalakad nito sa daan dahil sa mga sasakyan kaya kailangang doble ingat habang nasa daan.

Samantala, isang asong nagngangalang Hachiko ang sumikat sa kasaysayan dahil sa paghihintay nito sa kanyang amo sa istasyon ng tren nang siyam na taon kahit na sumakabilang-buhay na ito dahil sa sakit.

Ano’t anuman, nagpapatunay lamang ito na ang mga aso ay tunay na “man’s best friend.”

Ganito rin ba ang alaga mo?

Source :

Facebook

Loading…