Asong nag-viral nang makapasok sa mall at inescortan palabas ng guwardiya nabigyan ng trabaho

Imahe via Rico Bucan Suco | Facebook
  • Nag-viral ang asong inescortan ng security guard palabas ng Vista Mall
  • Sa panibagong update, ginawa na siyang opisyal na kasapi ng security guards ng mall
  • Alamin ang ilan pang impormasyong aming natuklasan tungkol kay doggy

Nag-viral sa social media ang asong nakapasok sa loob ng Vista Mall at dahan-dahang inescortan ng security guards palabas.

Imahe cia Jan Mart Calimpong | Facebook

Nakita kasi rito ang maayos na pagtrato ng guard kung saan kalamado nitong binitbit ang dalawang paa ni doggy. Umani siya ng pagpupuri mula sa mga animal lovers at si doggy naman ay kinaaaliwan din dahil sa kakyutan. Marami rin ang humanga sa Vista Mall sa pagiging mabait nito sa mga hayop.

Ang magandang balita, magdadala pala ng malaking pagbabago sa buhay ni doggy ang social media post na iyon.

Ayon sa post ni Jedrian San Juan ng One News, may trabaho na si doggy! Siya ay opisyal na na kasapi ng mga security guard ng mall. Sa mga larawang kuha ni Rico Bucan Suco, isa sa mga security guards, makikita si doggy na kasama sa meeting ng mga guwardiya para sa kanilang closing operation.

Imahe via Rico Bucan Suco | Facebook

Nagpag-alaman ng Kicker Daily News base sa post ng mga netizens na ang pangalan pala ng lalaking aso ay Dogdog. Siya ay may anak na pinangalanang COVID na ipinanganak noong Marso 15, 2020. Walong buwan gulang na ngayon si COVID na kamukhang-kamukha ng kanyang ama at magsinglaki na raw sila. Siya ay nasa pangangalaga ni Rico Bucan Suco.

Kung nagtataka kayo kung sino ang asawa ni Dogdog, apat daw pala ang babae sa iilan pang asong inaalagaan ng mga guards at tenants ng mall. Ang dami palang chicks ni Dogdog, ano?

Samantala, nakatanggap ng papuri sa propesyonal na pagtrato kay Dog dog ang dalawang security guards na umescort sa kanya mula sa security agency ng mall. Ito ay ipinost ni Emmamnuel Carreon.

Imahe via Rico Bucan Suco | Facebook

Asong gala na nakapasok sa mall inescortan palabas ng guwardiya na parang tunay niya itong alaga

“From our Chairman Mam Ginger Rosales-Aglipay, we would like to commend SO Dionne Crisostomo and SG Rommel Francisco for their professional handling of this incident. – Aglipay Security.”

Congratsm Dogdog! Ibig sabihin ba nito ay mas makikita ka na namin sa loob ng mall? Lol

Tunghayan muli ang viral video ni Dog dog dito.

Loading…