Mga batang may nakagigigil na ‘kalusugan’, alamin kung ano ang naging dahilan

Imahe via Eunes Baguio | Facebook
  • Tatlong bata ang tila nasobrahan sa lusog sa tagong kabundukan ng Davao de Norte at nag-viral pa dahi sa kanilang kakyutan
  • Ngunit ang inakala nating lusog ay malnutrisyon pala dulot ng hindi pagkakaroon ng balanseng diyeta
  • Alamin kung ano ang tawag sa kondisyong ito, ang sanhi at ano ang puwedeng mangyari kapag ito ay napabayaan

Kamakailan lamang, pinag-usapan sa social media ang tatlong bata na kakaiba ang lusog at nakagigigil sa kakyutan. Subalit may kakaiba nga bang dahilan sa kanilang pangangatawan?

Imahe via Eunes Baguio | Facebook

Natagpuan ni Eunes Baguio, isang sundalo, ang mga bigating ito sa Talaingod, Davao del Norte. Hindi niya sukat akalain na may mga ganoong uri ng pangangatawan sa liblib na bundok na iyon.

Dinalaw ng programang Kapuso Mo Jessica Soho ang mga ito at dito na mas nakilala ang mga chikiting. Si Diwana ay 6 na taong gulang lamang ngunit nasa 28 kilos na ito. Si Daniel naman ay may bigat na 24 kilos kahit na 3 taong guang pa lamang ito. Ang pinsan nilang si Jersey na isang taong gulang pa lamang ay may timbang naman na 14 kilos.

Masayahin sila at mahilig kumain. Kaya lang ang madalas nilang lantakan ay mga gulay at kamote. Wala pang isang taon sina Diwana at Daniel, ay nagsimula na umano silang lumaki. Si Jersey naman ay pinapakain na rin ng kamote noong tatlong buwan pa lamang siya kaya bigla na lamang itong lumobo pagdating ng limang buwang gulang,

Dahil sa kanilang kondisyon, madali nilang mapaglakihan ang kanilang mga damit. At dahil kulang sa pambili, suot na nina Daniel at Diwana ang damit ng kanilang mga magulang. Isang hamon din ang pagkakarga sa kanila dahil sa kanilang timbang.

Aminado ang mga magulang na hirap sila sa buhay ngunit paano nangyaring tila ang lulusog ng mga bata?

Imahe via Eunes Baguio | Facebook

Sa pagsusuri ng doktor na si P2LT Oliver Malimban, sila ay hindi malusog kundi malnourished at may Kwashiorkorl; isang kondisyong sanhi ng kakulangan sa protina. Ito ay delikado dahil maaaring magdulot ito ng permanent mental at developmental physical delay, organ failure, comatose at pagkasawi. Kaya importanteng ituro sa mga magulang ang kahalagahan ng breastfeeding at pagbibigay ng balanced diet sa kanilang mga anak.

Ito pa lamang ang kauna-unahang pagkakataon na natingnan ng doktor ang mga bata. Sa katunayan, hindi lamang ang tatlong batang ito ang may ganitong pangangatawan sa kanilang lugar. Nagpapatunay lamang ito na may nakababahalang sitwasyon sa mga tagong pamayanan sa ating bansa. Sana’y magsilbing halimbawa ang kuwento ng mga bata upang maging maingat tayo at palawakin pa ang ating kaalaman sa pagbibigay ng tamang nutrisyon sa mga bata.

Tunghayan dito ang kuwento nila sa KMJS.

Loading…