P10K na naipadala online sa maling tao kusang ibinalik ng napadalhan, sender lubos ang pasasalamat

Image via Sheryll Dijamco Abril | Facebook
  • Malaki ang pasasalamat ng isang babae dahil naibalik sa kanya ang perang naipadala niya sa maling recipient
  • Ibinahagi niya sa social media ang kanyang kuwento upang mapasalamatan ang napadalhan at maibahagi na rin ang kabutihan nito na karapat-dapat tularan

Ang online cash transfer ay gamit na gamit ngayong nauuso ang mga online payments. Malaking tulong ito sa pagbibigay ng kaginhawaan sa pagbayad natin ng mga bills at pamimili ng groceries, gamit at pagkain online.

Imahe via Pixabay

Kaya lang, mataas din ang tsansa ng mga aberya gaya ng system errors o pag-transfer ng pera sa maling recipient kapag hindi naging maingat. Sakit talaga sa ulo kapag nangyayari ang mga ganyan lalo na’t hindi mo kaharap ang tao o mechant. Minsan mahaba pa ang prosesong dadaanan kapag kailangan ng refund o pagsasauli ng pera.

Mabuti na lang may mga taong tapat at ibinabalik ang hindi sa kanila.

‘Yan ang ipinagpasalamat ni Sheryll Dijamco Abril kay Ed Michael Monares. Isinauli sa kanya ang P10,000 na mali niyang naipadala gamit ang Gcash. Masaya niyang ibinahagi sa social media ang kabutihan nito.

“Marami pa ring mga mabubuting tao sa mundo. Thank you so much Sir Ed Michael Monares for sending back mistakenly sent cash. Di man po tayo magkakilala and I know nothing about you but I thank God for you. You have earned credits to heaven. God bless you po.”

Ipinost ni Sheryll ang larawan ng text na natanggap niya mula sa Gcash. May inilagay pang note si Ed.

“This is to return the erroneous 10k deposit. From Ed.”

Kuwento ni Sheryll nakausap na raw niya ang nagsauli at napasalamatan. Ngunit ibinahagi pa rin niya sa social media ang nangyari dahil ang kabutihan nito ay magandang malaman din ng iba upang tularan.

Image via Sheryll Dijamco Abril | Facebook

Narito naman ang reaksyon ng ilang netizens.

“Salute …. Sana marami pa pong katulad n’yo na honest at mabuti ang puso. May God bless you more. And ten folds po babalik yung blessings dahil sa ginawa n’yo po.”

“God bless you, sir. Dumami pa po sana lahi niyo.”

Kahit gaano man kalaki o kaliit ang perang naipadala sa maling recipient, para sa nagpadala, mahalaga pa rin ito. Hindi kasi napupulot lang ang pera. Ito ay pinagtatrabahuan o maaaring hiningi pa dahil sa matinding pangangailangan.

Kung kayo ang maling napadalhan, ibabalik n’yo ba ang pera?

Source :

Facebook

Loading…