Philippine coast guard officer matiyagang inalalayan ang isang ginang upang ligtas na makatawid sa highway

Imahe kuha mula sa video ni Marlon Sumaguib via Facebook
  • Matiyagang inalalayan ng Philippine coast guard officer ang isang ginang na hirap sa paglalakad sa highway ng EDSA
  • Nakunan ng video ng isang netizen ang eksenang iyon at ibinahagi ito sa social media para magbigay ng inspirasyon sa iba
  • Isang rider din ang pinuri ng mga mababasa dahil huminto ito at tumulong sa PCG officer at ginang sa pagtawid

Sa daan ay nakasasalimuha natin ang iba’t-ibang klase ng mga tao. May mga bata at matatanda na naglalakad sa bilis depende sa kanilang mga pupuntahan at oras na hinahabol.

Imahe via Marlon Sumaguib | Facebook

Subalit may iba na sadyang hirap sa pagtawid dahil sa kanilang kalagayan. Mabuti na lang may mga taong handang umalalay sa mga nangangailangan.

Ganito ang nasaksihan ng isang netizen na si Marlon Sumaguib sa kahabaan ng EDSA. Nakatawag ng atensyon niya ang isang Philippine coast guard officer na matiyagang inalalayan ang isang ginang na mabagal na naglalakad sa gilid ng highway.

Nang makalampas na sila sa gilid ng barricade, sinamahan ng officer ang ginang sa pagtawid sa kabilang daan kung saan maraming sasakyan ang mabilis na tumatakbo. Ang hirap isipin kung si nanay lang mag-isa ang tatawid doon.

Bukod sa kapuri-puring PCG officer, isa pang motorista ang tumigil at bumaba ng kanyang motorsiklo at umalalay sa dalawa na makatawid nang ligtas sa highway. Nang marating na sa tabi ang dalawa, saka lang ito bumalik sa kanyang motorsiklong iniwan sa gitna ng daan at umalis.

Kinunan ni Marlon ng video ang pangyayari at ibinahagi sa social media.

Sabi niya sa kanyang post, “Worth to share this kind of a simple and heartwarming act of kindness by an unknown member of a Philippine Coast Guard.

Truly kindness can transform someone’s dark moment with a blaze of light. You’ll never know how much your caring matters. Make a difference for another today.

No act of kindness no matter how small is ever wasted.”

Imahe kuha mula sa video ni Marlon Sumaguib via Facebook

Samantala, bumuhos naman ang pagsaludo ng mga netizens sa PCG officer na nakilalang si Mohammad Faisal “Ching” SilvenAsa pati na rin ang rider na nagbigay daan at tumulong sa dalawa.

“Don’t forget the man in the motorcycle who stopped, just to help them cross the street safely.”

“Thank you, Lord. Mayroon pa ring mga taong katulad mo sir na dapat tularan. God bless you more, sir. Stay safe.”

Marami man tayong pinagdadaanan ngayon, nakapagpapangiti ang mga ganitong kuwento. Sana’y magbigay ito ng inspirasyon sa atin na tumulong at maging sensitibo sa pangangailangan ng iba dahil hindi natin alam balang araw tayo rin ay malalagay sa ganitong sitwasyon.

ICLICK ang imahe para mapanood ang  video.

I-click ang larawan upang mapanood ang video ni Marlon Sumaguib via Facebook

Loading…