Pizza restaurant umani ng papuri nang pinatulog sa kanilang sofa ang isang asong gala

Imahe pag-aari ni Hiro-ko Cordoba Takano
  • Nakunan ng larawan ang asong gala na ine-enjoy ang malamig na aircon at pagtulog sa sofa sa pizza restaurant
  • Pinuri ng isang NGO na nagliligtas ng mga hayop ang kabaitang iyon ng staff
  • Natuwa rin ang mga netizens; dahilan upang mas dumami ang nagpahayag na suportahan ang kainan na iyun

Naging sentro ng viral stories ang asong si Dogdog nang makapasok ito sa mall, pinalabas at kalauna’y kinuha bilang kasapi ng security ng establisyimento. Patunay lamang ito na lumuluwag na ang pagtanggap ng ilang institusyon sa mga hayop.

Imahe pag-aari ni Hiro-ko Cordoba Takano

Kamakailan, isa na namang kuwento sa social media ang nagpasaya sa mga animal lovers. Ito ay ibinahagi ng Save Animals of Love and Light -Save All.

Sa kanilang post, pinuri nito ang Pizza Hut ng Ortigas Extension, Pasig. Sa larawan kasi, makikitang napakahimbing ng tulog ng asong gala sa kanilang sofa na harap ng counter.

“Thanks to Pizza Hut. This stray dog gets to rest and feel safe for a few hours inside the restaurant,” ayon sa post.

Inihayag din nito na ang pagpapaubaya nila sa aso na manatili sa loob ay pagkakataon na makaiiwas ito sa mga nangunguha ng mga tulad niya na pagala-gala sa kalye. Pansamantala rin itong hindi makahihiga sa malamig na semento.

Ninais ng grupo na sana mas marami pang mga establisimyento ang maging bukas na payagan ang mga asong makisilong kahit sa gabi ngayong may pandemya o kapag may bagyo.

“Thank you for giving us this moment to feel love and hope at this time of uncertainty!!! An act of kindness goes a long way, and reaches the hearts of so many indeed.”

Ang mga larawan ay orihinal na kuha ni Hiro-ko Cordoba Takano na kasama ang kaibigang si Crystal Valerie Jimenez nang mga sandaling iyon.

Imahe pag-aari ni Hiro-ko Cordoba Takano

“I love how Pizza Hut allowed him to stay inside the resto and let him rest on the sofa!! Goodvibes! Salute to these peeps! The world needs more people like you guys!” paglalarawan ni Crystal.

Natuwa at nahabag ang mga netizens dahil ramdam nila ang pagod nito sa araw-araw na pakikibaka bilang asong walang permanenteng tahanan. At dahil sa kabaitan ng mga staff ng pizza restaurant, mas dumami ang naging tagatangkilik nito.

“Good job Pizza Hut! From now on I will be ordering from this branch since I’m an animal lover from Pasig Blvd.”

“Let’s support businesses like this, has compassion in mind, not just money.”

“Thank you Pizza Hut! Sa mga dog lovers near Ortigas, please patronize said Pizza Hut branch!!!”

Kudos sa mga empleyado ng Pizza Hut sa pagbabahagi ng inyong lugar ka doggy. Hangad din naming may umampon na sa aso para magkaroon na ito ng permanenteng tahanan at mag-aalaga.

Source :

Facebook

Loading…