Grab Food rider iniwan ang ide-deliver na order para matulungan ang isang tatay; anak lubos na nagpasalamat

Imahe via Gladys Sario Alob| Facebook
  • Malaki ang pasasalamat ng isang anak sa rider na sumaklolo sa kanyang ama nang hindi naging maganda ang pakiramdam nito
  • Humanga siya rito dahil hinatid din nito pabalik sa kanila ang motor ng kanyang ama
  • Hindi na niya maalala ang pangalan ng rider kaya idinaan niya sa social media ang pasasalamat sa hangaring makarating ito sa kanya

May mga taong handang tumulong sa kanilang kapwa kahit na hindi nila ito kilala at kahit na ito ay makaaabala pa sa kanilang trabaho.

Imahe via Pixabay

Kaya gano’n na lamang ang pasasalamat ni Gladys Sario Alob sa Grab Food rider dahil sinaklolohan nito ang kanyang ama nang biglang nag-iba ang pakiramdam ng huli.

“Salamat Lord sa buhay ni kuya. Grabe. Sobrang thank you sa buhay mo kung ‘di mo tinulungan si papc baka worst pa nangyari! May choice siyang i-ignore si papc pero hindi,” sabi nito sa kanyang post sa social media.

May ide-deliver pa raw sana na pagkain ang rider ngunit iniwan niya ito. Magaling din siya sa paghawak sa ganoong sitwasyon dahil naisipan nitong tingnan ang ORCR ng motor ng papa ni Gladys para maihatid ito sa kanila. Hindi na raw makasalita ang ama ni Gladys nang mga panahong iyon kaya hindi alam ng rider kung sino ang tatawagan.

Humanga pa lalo si Gladys sa kanya dahil maaari nitong itakbo ang motor ngunit hindi nito ginawa.

“Grabe lang despite the tragedy NAPAKABUTI PA RIN TALAGA NG LORD! DI NIYA PINABAYAAN SI PAPA. GRABE GRABE SOBRANG THANK YOU TALAGA!!”

Imahe via Gladys Sario Alob| Facebook

Nanawagan si Gladys na i-share ang kanyang post para makarating sa rider. At kung sino man ang nakakakilala dito ay maaari siyang i-contact dahil gusto niyang bumawi rito kahit sa maliit na paraan.

“Can you please share this post? ‘Di na maalala ni mama yung name ni kuya kasi aligaga na. We want to personally thank & bless him too! Please help us na makarating to sa kanya. My family is truly thankful for his life! Salamat nang marami kuyang grab driver. Mabuhay ka & may the Lord bless you even more!”

Sana’y mas dumami pa ang tulad ni kuya rider na may malasakit sa kapwa. Siya ay isang patunay na marami man tayong pinagdadaanan ngayon, hindi pa rin naman nauubos ang mga taong mababait sa kanilang kapwa.

Source :

Facebook

Loading…