Willie Revillame tumugon sa panawagan ng isang residente sa Catanduanes, P5M binigay sa mga nasalanta ni Rolly

Imahe kuha mula sa video ng Wowowin via YouTube, Imahe kuha mula sa video ng GMA News via YouTube
  • Dumating ang Wowowin host na si Willie Revillame sa Gigmoto, Catanduanes nang manawagan ang isang residente ng tulong sa kanya
  • Dumagsa ang mga tao na nais siyang makita at nahirapan ang mga opisyal sa pagkontrol ng mga ito
  • Hindi naman binigo ang mga residente dahil nagbigay ang host ng malaking ayuda sa lalawigan kasama na ang ginang na humingi sa kanya

Agad na tumugon si Willie Revillame sa panawagan ng isang residente ng Gigmoto, Catanduanes na isa sa pinakanasalanta ng bagyong Rolly.

Imahe kuha mula sa video ng GMA News via YouTube

Ibinalita ng 24 Oras na pumunta ang host ng weekend dala ang kanyang chopper na siya mismo ang nagpiloto. Dalawa pang chopper ang kasama nito dala ang mga kumot, jacket at mga gamot.

Sinabi ng Kapuso host sa interbyu na hindi niya kayang balewalain ang panawagan ng ginang na nagngangalang Elizabeth Español at dahil katapusan ng linggo ay wala naman din daw siyang trabaho kaya gumawa siya ng paraan.

Nasorpresa naman ang host dahil dumagsa ang mga residente sa landing zone ng Gigmoto Central Elementary School. Naging isang hamon sa seguridad ang dami ng tao kaya dinala ang host sa Barangay Byong upang doon sila magkita ni nanay Elizabeth.

Sa munisipyo, humarap ang host sa mga residente at inhayag ang kanyang pagtulong. Una muna niyang binigyan ng maagang pamasko si nanay Elizabeth.

“Si nanay muna. Sa kanya nagsimula ang lahat. Si nanay, pamamaskuhan ko muna ng P100,000.” Nagbigay rin siya ng donasyon para sa lalawigan ng Catanduanes. Dagdag niya,”Sa abot-kaya ko. Dahil ako’y napaka-blessed na tao. Panginoong Diyos, dinadala ako sa kataasan dahil sa inyo, ang ibibigay ko sagip sa Catanduanes, kung anong binigay ko sa jeepney drivers  —-  limang milyon!”

Imahe kuha mula sa video ng GMA News via YouTube

Tuwang-tuwa ang mga tao sa ibinalitang iyon ng host. Halos hindi mahulugan ng karayom ang lugar sa sobrang dami ng gusto siyang makita. Maski ang kanilang mayor na si Vicente Tayam Jr. ay nahirapan sa pagkontrol ng mga tao at hindi na nasunod ang social distancing. Subalit, tiniyak naman nito na nananatiling COVID-free ang Gigmoto.

Nobyembre 9, personal na binigay ni Willie ang kanyang P5M na ayuda kay Gov. Joseph Cua.

Nobyembre 1 nang dumating sa Catanduanes si Rolly, ang pinakamalakas na bagyo ngayong taon. Matinding pinsala ang iniwan nito sa kabuhayan at pamumuhay ng mga residente kasama na ang 20 taong hindi nakaligtas at 165 na sugatan.

Panoorin ang ulat ng 24 Oras dito.

< iframe width=”560″ height=”315″ src=”https://www.youtube.com/embed/pAfpMqV2Gfo” frameborder=”0″ allow=”accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture” allowfullscreen></iframe >

Source :

GMA News, PEP

Loading…