Lalaki hinangaan dahil sa pagiging responsableng pet owner

Imahe via JL Riley | Facebook, Imahe via Pixabay
  • Pinag-usapan ng mga animal lovers sa social media ang larawan ng pagsalo ng amo sa dumi ng alaga niyang aso gamit ang plastik
  • Nakatatawa man ngunit hinangaan siya dahil sa paggawa nito sa responsibilidad bilang isang pet owner

Hindi madaling mag-alaga ng aso. Kung akala nating sapat na ang pagpapakain sa kanila nang wasto, higit pa rito ang ating responsibilidad.

Imahe via JL Riley | Facebook

Dapat ay may tama silang silungan na nasa loob ng ating bakuran. Ang pagbabakuna rin sa kanila kada taon ng anti-rabies ay nararapat upang hindi sila makakakuha ng rabies sa ibang hayop at medyo mapanatag ang ating loob kung sila man ay makakagat ng iba.

Eto ang mga pangunahing responsibilidad na agad nating maiisip. Subalit, kasama rin ba ang pagtamang pag-asikaso ng kanilang mga dumi? Minsan, ito ay nakaliligtaan.

Ibinahagi ni JL Riley sa social media ang larawan kung saan sinalo ng lalaking amo ang dumi ng aso gamit ang plastik. Ito ay isang eksenang maaaring katawa-tawa sa iba ngunit ang katotohanan, ang pag-aasikaso ng dumi ng mga hayop ay responsibilidad din natin.

Lalo na kapag inilalabas natin ang ating mga alaga sa ibang bakuran o sa mga pampublikong lugar gaya ng parke, hindi dapat natin hayaang maiwan na lang ang kanilang dumi roon. Dahil kapag gano’n, ito ay maaaring makaperwisyo sa iba kapag naapakan at puwede ring pagmulan ito ng sakit ng ibang aso o tao kapag may impeksyon ang iyong alaga.

Sang-ayon ang mga netizens sa ginawa ni kuya. Marami ang humanga at bumilib dahil katangi-tangi rin ang tibay ng sikmura niya habang ginagawa ito.

“Eto po talaga ang tama pag inilalakad n’yo mga aso n’yo para ‘di po nagkakalat ito. Saludo po ako sa inyo, kuya. Tama po ang ginawa n’yo!”

“Ang tiyaga ni tatay hawakan ang plastik ah.”

“Ang bait ng papa n’ya, alagang-alaga si baby.”

Imahe via Pixabay

Ikunuwento rin ng mga netizens ang kadalasan nilang gamit pandampot ng dumi ng mga alaga nila. Karaniwan ay papel, plastik, dustpan at walis tingting.

Samantala, ang tamang gawain na ito ay nakasaad sa RA 9482 THE ANTI RABIES ACT and Responsibilities of a Pet Owner section 5c3.

Kaya bago mag-alaga ng hayop siguraduhin nating kaya nating gawin ang lahat ng responsibilidad bilang amo.

Source :

Facebook, PAWS

Loading…