Gipit man tapat na magsasaka isinauli ang mahigit P133,000 na napulot niya noong Pasko

Imahe via PNP Cordillera FB Page | Facebook
  • Isinauli ng magsasaka mula sa Benguet ang bag na naglalaman ng mahigit P133,000 
  • Napulot niya ito noong araw mismo ng Pasko ngunit hindi ito nagdalawang-isip na gawin ang tama
  • Dahil dito, ipinagmalaki siya ng awtoridad dahil naging tapat ito kahit na hirap din ito sa buhay ngayong may pandemya

Marami man tayong pinagdaraanan ngayon, hindi pa rin dapat mawawala ang tiwala natin sa sangkatauhan.

Imahe via PNP Cordillera FB Page | Facebook

Isang tapat na magsasaka sa Benguet ang magpapatunay nito dahil isinauli nito ang malaking halaga na napulot nito sa daan. Sa araw ng Pasko, Disyembre 25, alas-diyes ng umaga, habang naglalakad sa Sitio Sayatan, Baayan si Mando Baniwas Alonzo, 53 taong gulang, ay natagpuan nito ang isang sling bag na may lamang P133,800.75, lisensya at Squidpay card.

Hindi siya nagdalawang-isip na ibalik ito sa nagmamay-ari at nagtungo siya agad sa Tublay, Benguet Municipal Police Station (MPS) upang ipagbigay-alam sa mga kinauukulan. Naparating din sa may-ari na si Roger Bai Santiago ang magandang balita at napag-usapan ang kanilang pagkikita.

Sa pamamagitan ng social media, ipinagmalaki ng Tublay Police Station kung paano mas pinili ni Mando Baniwas Alonzo na maging tapat sa kabila ng mga paghihirap na pinagdaraanan nila ng mga magsasaka ngayon dahil sa pandemya.

“Money is one among the top concerns we have right now especially in this time of yuletide and period of pandemic. Many of us may face the reality of paying bills, providing for our families and trying to make the most of the festive season but no matter how one would badly need it the spirit of honesty and integrity remained to a person who chose to return the money.”

We salute you Mr. Mando Baniwas Alonzo for your honesty. God bless!”

Imahe via PNP Cordillera FB Page | Facebook

Nakuha naman ng may-ari na si Roger Bai ang kanyang pera at mga dokumento matapos magpakita ng proof of identity.

Sana kung napulot iyon ng iba ay gano’n din ang gagawin nila. Napakasakit mawalan ng pera kaya kapag may napulot tayo, huwag na tayong madalawang-isip na gawin ang tama.

Panoorin ang video  ng pagsasauli ng pera rito.

Loading…