Mga rider ng ahensya ng Shopee nagrereklamo dahil sa delayed na pasahod

Imahe kuha mula sa video ni Estrang Vench Alvarez via Facebook
  • Kumalat sa social media ang post tungkol sa reklamo ng mga riders ng Shopee dahil hindi pa sila napapasahod
  • Tanggap na raw nila na wala silang 13th month pay ngunit ang pasahod nila ay sobrang delayed na
  • Bukod pa rito ay galit din sila sa sistema ng pamamahagi nito dahil sa palipat-lipat na lokasyon

Sumugod ang mga riders ng Shopee sa ahensya nito sa Placer 8 sa Taguig, araw ng Disyembre 30 upang hingiin ang kanilang pasahod dahil hindi pa ito naibibigay.

Imahe kuha mula sa video ni Estrang Vench Alvarez via Facebook

“Wala kaming tanging hinihiling kung hindi SAHOD namin.”

‘Yan ang sigaw ng trending post ni Estrang Vench ALvarez na isang rider. Tinanggap na raw nila na wala silang 13th month pay ngunit kahit sana ang sahod nila mula Disyembre 7 to 13 ay maibigay na.

“Tanggap na namin na wala kaming 13th month kahit yung sahod na lang namin na December 7 to 13 ang hinihiling namin. Puro delay pasahod na lang lagi pasakit at pahirap ginagawa n’yo sa rider n’yo.”

Nagrereklamo rin si Alvarez sa pamamaraan ng pagbibigay na pasuweldo ng ahensya kung saan palipat-lipat ito ng lokasyon.

“Kagabi nagpasahod 10PM to 12AM sa Taguig tapos biglang nagbago lumipat ng Pasay kaya di na kami tumuloy. Isipin mo 12AM papapuntahin ka pang Pasay WTF. Hays. Tapos sabi bukas meron daw pero ngayon wala. Mismong sahod namin pinaghihirapan pa namin makuha.”

Sa videong ibinahagi makikitang naglalabas ng sama ng loob ang isang rider sa isa pang rider na kakontrata rin ng Shopee.

“Nakakasama ng loob sir kasi kami talaga ang bread and butter dito. Alam n’yo rin naman ‘yan dahil rider din kayo. Saan sila kumukuha ng na ano nila. Kumuha sila ng kontrata kay Shopee pero sino naging ano nila. Saan sila nagkakaroon ng kaperahan dito? Walang-wala kaming hinihiling sir kundi sahod lang namin.”

Imahe kuha mula sa video ni Estrang Vench Alvarez via Facebook

Ang pangalawang video ay kuha nang magpasahod ang ahensya ng Shopee sa Taguig at hindi na nasunod ang social distancing dahil sa pagnanais ng lahat na makuha ang delayed na nilang pasahod.

Dagdag pa ni Alvarez, “Si SHOPEE GALANTE SA IBA PERO SA MISMONG EMPLEYADO IPIT NA IPIT ANG PONDO.”

Noong 12.12, record-breaking ang nagawa ni Shopee sa kasaysayan ng e-commerce dahil nakabenta ito ng 12 million items sa loob lamang ng 24 minuto.

Sana’y maresolba na ng ahensya ang panangutan nila sa mga riders.

Panoorin ang video a inupload rito.

Source :

Facebook, Abante

Loading…