A real hero: Alagang aspin iniligtas ang kanyang batang amo

Imahe via Pixabay
  • Matapang na sinagip ng alagang aso ang batang lalaki mula sa mga dumaluhong ditong ibang aso
  • Dahil dito, malaki ang pasasalamat ng tita na ipinagmalaki sa social media ang kanilang alaga 
  • Umani ng paghanga ang aso ngunit marami rin ang nag-alala rito pati na sa batang lalaki dahil sa mga natamong  sugat

Hindi lamang tayo pinoprotektahan ng mga alaga nating aso laban sa mga masasamang tao kundi pati na rin mula sa kapwa nila aso.

Imahe via Kristine Operania Olpindo | Facebook

Nagkasugat ang batang lalaki nang bigla siyang daluhungin ng ibang aso sa labas ng bahay. Ang sumagip sa kanya? Ang alaga nilang aso.

Kaya proud na proud si Kristine Operania Olpindo sa kanilang asong si Lyte dahil kung hindi dahil sa tapang nito, maaaring malungkot ang naging Bagong Taon nila.

“Flex ko lang yung aso namin na naging savior ng pamangkin ko sa pagkakalapa ng aso. Proud na proud kami sa’yo Lyte (name ng aso). Kung ‘di dahil sa’yo, baka ‘di lang ‘yan inabot niya. Siguro magbabagong taon tayong malungkot. Thanks Lord at ganyan lang inabot,” kuwento niya sa social media noong Disyembre 31, 2020.

Nagbahagi siya ng mga larawan at makikita ang kaawa-awang kalagayan ng kanyang pamangkin. Kuwento ni Kristine sa comment section, tinalon daw ni Lyte ang terrace at lumundag sa aso upang maihiwalay ito sa bata.

“Nakita niya siguro ako na wala ako magawa kaya siya na gumawa ng paraan para bitwaan ng ibang aso ‘yung pamangkin ko.”

Agad namang naopagamot ang kanyang pamangkin.

Samantala, isang hero dog si Lyte para sa mga netizens dahil sa ginawa nito.

“Good job, Lyte. Ingatan n’yo po siya. Savior n’yo po ‘yan. Naalagaan siyang mabuti kaya inalagaan din po kayo.”

Imahe via Kristine Operania Olpindo | Facebook

Sa mga larawan ni Lyte makikitang tila may kaunting sugat din siya kaya nag-alala rin ang mga netizens para sa kanya. Payo nila, dalhin siya sa vet dahil baka may rabies ang asong nakasagupa niya at mailipat din ito sa kanya.

Maaasahan talaga natin na ang pagmamahal na ibinibigay natin sa ating mga alaga ay ibinabalik din nila sa atin kagaya ng mga ganitong  pagkakataon. Subalit bilang isang responsableng tagapag-alaga, siguraduhin din nating nakatali o nasa loob ng ating bakuran ang mga alaga upang hindi makaperwisyo ng iba.

Update ni Kristine sa buong kuwento:

Source :

Facebook

Loading…