Customer nagbigay ng appreciation post sa mga delivery riders: ‘Isang malaking THANK YOU and mabuhay po kayo!’

Imahe via Cyrell Jones | Facebook
  • Piniktyuran ng isang customer ang mga delivery riders na naghatid ng kanyang parcel upang i-post sa social media
  • Layunin nitong ipakita ang pagpapahalaga at pasasalamat sa kanila na kumakayod kahit ngayong may pandemya
  • Naranasan man niyang makatanggap ng tampered na parcel ngunit hindi pa rin nito natinag ang kanyang bilib sa kanila

Sunud-sunod tayong nakababalita ng mga modus sa online shopping kung saan sangkot ang mga couriers. Subalit sa halip na makiisa sa mga nagagalit sa mga riders, iba ang pinagtuunan ng pansin ng isang customer sa Zamboanga del Norte.

Imahe via Cyrell Jones | Facebook

Piniktyuran ni Cyrell Jones ang mga delivery riders na naghatid ng kanyang mga parcel. Kabilang na rito ang mga riders ng LBC, J&T, Ninja Van at Entrego.

“NAKAGANTI RIN SA WAKAS?? ANG HILIG NIYO KUMUHA NG PICTURE SA AKIN AH. PICTURAN KO RIN KAYO!!” kuwento niya sa kanyang post sa Facebook.

Kadalasan kasing kumukuha ng larawan ang mga riders ng mga napaghatiran nila ng parcel bilang patunay na naging matagumpay ang kanilang transaksyon. Ngunit sa pambihirang pagkakataon ay kinunan din sila ng larawan ng isang customer dahil nais nitong magbigay ng pagpapahalaga sa isa sa mga frontliners ngayong may pandemya.

“Let’s appreciate delivery riders na kahit ulan o init & travelled several miles at hanap-hanapin ka para lang ma-deliver yung order natin. Isang malaking THANK YOU & mabuhay po kayo!”

Sa katunayan, naransan din ni Cyrell ang makatanggap ng parcel na pinaghihinalaan niyang nabuksan. Noong Disyembre, nang makarating ang kanyang package, nakita niyang may punit na ito at tinakpan lang ng tape.  Nang mabuksan niya ito, kulang nga ang laman. Subalit nakatanggap naman siya ng refund nang inasikaso ito nang maayos ng courier.

Imahe via Cyrell Jones | Facebook

Sa kabila ng nangyari, hindi pa rin nawala ang kanyang bilib sa mga riders. Malaki pa rin ang pasasalamat niya sa kanila.

“Basta salute ako sa kanila, lalo na ngayon na pandemic. Everyday nagde-deliver sila more or less a hundred parcels, iba-ibang personality, location & ide-deliver pero handled naman nila nang maayos,” kuwento niya sa panayam ng Kicker Daily News.

Mahirap maging rider dahil umula’t umaraw kailangang mag-deliver at palagi pang nasa kalsada kung saan mataas ang risgo sa peligro. Kaya hindi lahat ay kakayanin ang trabahong ito.

Kayo? Paano niyo ba ipinapakita ang pagpapahalaga sa ating mga delivery riders?

Source :

Facebook

Loading…