Doc Anna Lisa Ong-Lim ng DOH nagpaalala sa mga dumalo sa Traslacion 2021 na mag-self-quarantine muna

Imahe via Anna Lisa Ong-Lim | Facebook, Imahe via Manila Public Information Office | Facebook
  • Nagbigay ng paalala si Dr. Anna Ong-Lim ng DOH na mag-self-quarantine ang mga dumalo noong Traslacion 2021
  • Ito ay upang maiwasang makadamay ng iba kung ano man ang mangyayari sa loob ng 14 na araw na isolation
  • Bago pa man ang kapistahan, nagbigay na ng babala ang doktor na ang selebrasyon ay maaaring maging isang superspreader event

Sa kabila ng banta ng COVID at mahigpit na pinapatupad na health protocols, mas nanaig ang paniniwala ng iilan kung kaya’t libo-libo pa rin ang dumalo sa magdamagang pista ng Itim na Nazareno.

Imahe via Anna Lisa Ong-Lim | Facebook

Dahil dito, may payo si Dr. Anna Ong-Lim, kasapi ng technical working group ng Department of Health (DOH), sa mga dumalo na nararapat na mag-self-quarantine muna ang mga ito at umiwas sa publiko.

Salaysay niya sa DZMM Teleradyo, “Kung pumunta ka, well better talaga na mag-self-quarantine… but we know that’s quite difficult. Siguro practical application is huwag na masyadong maggagala para mabawasan ang iyong potential contact.”

Hindi raw kasi maiiwasan na baka mayroong infected ng COVID ang pumunta.

Dagdag pa niya na kailangan daw mag-ingat upang kung ano man ang mangyayari sa loob ng 14 na araw, hindi raw masyadong marami ang madadamay.

Enero 7, nagpalabas na ng babala ang doktor na ang Traslacion 2021 ay puwedeng maging isang superspreader event kapag magkumpol ang mga deboto sa Quiapo. Bukod pa riyan, isa ring concern ang bagong COVID variant na binabantayan ngayon. Kaya payo niya, mag-ingat at huwag sabay-sabay pumunta ng simbahan.

Imahe via Department of Health (Philippines) | Facebook

Ngunit sa kabila nito, umabot pa rin ng 400,000 ang kabuuang tala ng mga deboto na dumalo sa selebrasyon mula Biyernes hanggang Sabado, Enero 9.

Sa isa pang video na inilabas ng ABS CBN, makikitang nasira ang formation para sa physical distancing sa labas ng Quiapo Church nang magbasbas ng holy water dahil nagsitakbuhan ang mga tao sa gitna.

Subalit sa kabuuan, mapayapa at naging maayos naman ang selebrasyon, ayon sa pulisya. Nasunod naman daw ng mga deboto ang minimum health standards. May mga ilang pagkakataaon lang na nakalimutan ito ng mga deboto ngunit sumunod naman sila nang maabisuhan.

Loading…